Batang Nanaginip na Kinausap daw ni LORD, Nagpahukay ng Bunker Dahil Magkakaroon Umano ng 3 Araw na Kadiliman sa Mundo.

Naipalabas sa  GMA-7 na Kapuso Mo, Jessica Soho ang kakaibang kwento mula sa mag-ina sa Misamis Oriental na naghuhukay ng bunker o ng pagtataguan dahil magkakaroon umano ng tatlong araw ng kadiliman.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Sa panayam sa batang si Clark, sinabi niya siya ay nanaginip at doon umano nagpakita sa kaniya ang Panginoo. Sinabi umano sa kaniya na gumawa ng bunker dahil magkakaroon daw ng mga plague at tatlong araw ng kadiliman.

Ayon pa sa 9 taong gulang na bata, mayroon umano na mga nuclear bomb na sasabog na magiging sanhi ng radiation na maaaring makap4tay sa mga tao.


Saad niya, “Nanaginip ako. Nagpakita si Lord. Sabi Niya sa akin, ‘Gumawa kayo ng bunker.’ Magkakaroon daw ng ‘Three Days of Darkness’ at mga plague. Doon kami sa bunker titira. ”

Dagdag pa niya,

“Kasi sa ‘Three Days of Darkness,’ mag-explode daw ang mga nuclear bomb. Malaki raw ‘yung magiging pagputok at magkakaroon ng radiation na makakapatay sa’yo.

“Ang sabi Niya po, liitan lang. May cabinet sa likod tapos maglagay ng exhaust fan at apat na upuan. Maghintay lang daw kami at mag-pack ng maraming food at supplies.”

Samantala, sa panayam naman ng ina ni Clark na si Charity, sinabi nito na maging siya ay araw-araw din na napapanaginipan ang Panginoon kung saan binibigyan umano siya ng mangyayari sa hinaharap.

“Araw-araw kong napapanaginipan si Lord. Nagbibigay siya kung anong mangyayari sa hinaharap. Katulad ng three days of darkness, mga baha at mga tornado na darating. Parang ‘yung mga event na nakalagay sa Bible.

“Nagsabi si Lord na gumawa kami ng bunker. Katulad lang din ng ginawa ni Moses, sumunod kami at nagsimula nang maghukay. ‘Di ba hindi niya alam kung anong mangyayari? Pero sumunod siya.

“May mga magsasabi na hindi totoo ‘yung sinasabi namin. Pero ang sa amin po, we’re just doing the will of the Lord.”

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Loading...