Batang Lalake, Umani ng Paghanga ng Pinahiga sa Kamay nito ang Inang Pagod at Antok sa Trabaho.

Sa panahon natin ngayon, tila bilang na lamang ang mga lalaking gentleman dahil kadalasan ng mga lalaki ngayon ay hahayaan na lamang tumayo ang mga kababaihan imbes na ipaubaya ang upuan nila sa mga ito o di kaya ay pagbuksan ng pinto ang mga babae kung sakali man na madami silang dala o bitbit.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Ngunit, sa kabila nito, nakakatuwa pa ding isipin na mayroon pa ding ilang lalaki na nanatiling gentleman.


Katulad na lamang ng batang lalaking ito mula sa China na naging usap-usapan sa socmed dahil sa kaniyang pagiging maalalahanin at mabuti kahit sa murang edad pa lamang.

Batang Lalake, Pinahiga Sa Kamay Ang Inang Pagod At Antok Galing Trabaho

Ayon sa mga taong nakasaksi, ang batang lalaki na hindi pa nakikilala ay nakaupo katabi ang isang tila pagod na pagod na babae nang mayroong isang babaeng pumasok sa train na mayroong tulak tulak na stoller kung saan nakalagay ang isang bata.

Dahil nakita niya na tila nahihirapan ang babae sa kaniyang anak, dali-dali namang tumayo ang batang lalaki at inalok ang upuan niya para ang babae ang makaupo dito.

Maliban pa diyan, nang makatulog ang kaniyang ina na pagod na pagod, kinuha niya ang mga bag nito at binuhat mag-isa. Dahan dahan din niyang nilagay ang kaniyang kamay sa pagitan ng hawakan ng train at sa ulo ng kaniyang ina para doon ito makahiga.

Hindi naman nalaman ang pangalan ng lalaki at tiyak na hindi natin alam kung sino nga ba ang nagtusa kaniya ng pagiging isang mabuti at maalalahaning bata.

Isa sa mga pasahero ng train ang kumuha ng larawan sa ginawa ng bata at in-upload ito sa kaniyang socmed. Ang post ay kaagad kumalat at marami sa mga netizens ang pinuri ang batang lalaki para sa kaniyang ginawa.

May mga netizens pa nga na nagbiro na nais nilang makita ang bata para sabihin sa mga magulang nito na ipa-arranged marriage na sila sa kanilang anak.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Loading...