Isang Ama, Nanghihingi ng Breåst Milk Para sa Kanyang Triplets na Anak Dahil Binawian ng Buhay ang Kanyang Misis

Bawat isa ay nangangarap ng isang masayang pamilya na binubuo ng Ama, Ina at mga anak. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil kahit anong magandang plano ang ating gagawin pwedeng mag-iba ito dahil sa mga pangyayaring di natin inaasahang mangyari.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Katulad na lamang ng isang viral post ng lalaking ito, kung saan ay isang masayang pamilya sana ang kanilang bubuuin kasama ang ina ng kanyang triplets na anak, pero ito ay di na matutuloy pa dahil sa pagpanaw ng ina ng mga bata ng isilang niya ito.

Kinilalang si Joel Orbello Regal ang ama ng triplets na bata, ang kanyang post ay umani ng maraming reaksyon at pagkahabag sa nangyari sa kaniyang asawa.


Dahil wala na ang kanyang misis at mag-isa na lamang niyang itinataguyod ang  3 niyang anak, kinakailangan niya ng breåst milk para sa kanyang tatlong sangg0l. Sa tulong ng mga netizens ay nairaraos ni Joel ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

Bukod sa maraming breåst milk, may iba’t-ibang kagamitan pa pang-baby ang natanggap ng mag-aama. May mga diaper, komportableng higaan at marami pang iba.

“Hindi man nangyari yun Plano sana na inaasahan namin ng asawa ko pero God will provide tlaga sa kabila ng lahat. Mahal ko alam ko napakasaya mo kasi gumawa pa din si God ng paraan para hindi ako panghinaan ng loob para lalong mag pursige para sa mga anak natin .Maraming maraming salamat po sa mga pinaabot nyong tulong samin ng mga anak ko god bless you all po,” pahayag ng ama sa kanyang facebook post.

Kahit na wala na ang misis ni Joel ay nananatiling nasa pus0 pa rin niya ito at pinili niyang maging matatag para sa kanyang mga anak. Hindi madali ang maging isang solo parent lalo na sa sitwasyon ni Joel na hindi lamang isa o dalawa ang anak kung hindi tatlo. Sa kabutihang palad ay marami pa din ang may mabubuting kalo0ban na handang tumulong para sa kanila.

You May Also Read:

Kilalanin Kung Sino Daw ang Magandnag Aktres na Ito na Nagtitinda na lamang ng Tuyo?, Danggit at Dilis.

 

Loading...