Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.

Isang sikat at magaling na aktres si Angel Locsin , maliban sa napakagaling nitong umarte, may malaking puso pa ito para sa mga nangangailangan ng tulong. Maraming beses ng napatunayan ni Angel ang kanyang kabutihang loob sa mga mamamayan sa tuwing may mga sakuna at trahedyang nangyayari, ika nga na siya ang “real life Darna”.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Subalit sa kabila ng kanyang kasikatan, naging pribado ang usapin patungkol sa kanyang mga magulang. Ang palagi lang natin nasisilayan ay ang kalagayan ng kanyang ama na mayroon ding kapansanan.

Hindi din naman maitatanggi kung gaano kalapit si Angel sa kaniyang ama at sinabi na nga din ng aktres ang isa sa mga rason kung bakit pinili niyang pumasok sa industriya ng showbiz. Madalas din nating makikita sa kaniyang mga social media accounts kung gaano kaimportante at kamahal ni Angel ang kaniyang ama.

Marami sa mga netizens ang natutuwa at nagagalak dahil sa espesyal na pakikitungo ni Angel sa kaniyang ama. Ngunit, mayroon namang ilang netizens ang nagtataka at nagtatanong kung nasaan nga ba ang nanay ng  aktres at t tila hindi ito palaging kasama ni Angel.

Ngunit, ang katanungan na ito ng marami ay nasagot na ng aktres dati pa man. Sa naging panayam noon ni Angel sa PEP.ph noong taong 2017, ibinahagi ni Angel kung ano ang personalidad at kung gaano kabuti ang kaniyang ina. Inamin din ng aktres na nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang, ngunit hindi ito naging hadlang para mabago ang uri ng relasyon na mayroon si Angel sa kaniyang ina.

Saad ng aktres,

“Ang hindi namin itinatago is the fact na matagal na silang hiwalay ng Dad ko,”

“Nagdadalaga pa lang ako, talagang wala na sila sa isa’t isa.

“Naintindihan naman namin ‘yon dahil ‘yon naman ang gusto nila. Iyon na ang napagkasunduan nila at nirerespeto namin ‘yon.”

Dagdag ni Angel, naiintindihan niya ang desisyon na ginawa ng kaniyang mga magulang at nirerespeto niya ito. Alam din nilang hindi na maaari pang makapagsama ang kaniyang mga magulang kaya tanggap naman na nila ito. Ngunit, sa kabila nito, nananatili pa din buo ang kanilang pamilya na laging nakasuporta sa isa’t isa.

“Ang sa akin lang, sana sa kung anumang gulo sa buhay ko na may kinalaman sa trabaho ko, ‘yon na lang ang maging isyu o sentro.

“Kasi ang Mama at Dad [Mr. Angel Colmenares] ko, talagang hindi na puwedeng magkasama.”

“Tanggap na namin ‘yon. But in spite of that, buo pa rin kami bilang pamilya.”

“Na pag may isang nasaktan o nagkaproblema, lahat kami, e, nakasuporta.

Nabanggit din ng aktres na kahit pa man hindi niya ganoong kadalas nakikita ang kaniyang nanay na si Mommy Emma Colmenares, nananatili pa din ang pagmamahal niya nito at walang nagbago sa uri ng relasyon na mayroon sila sa isa’t isa.

You May Also Read:

Heto na Daw ang Buhay ni Mommy Divine Matapos ang Matinding Naganap sa Kanila ni Sarah G.noong Kasal nito.

Loading...