Yayo Aguila Nag Reak ng Tinawag “The New Lap-lap Queen”.

Minsang naging usap-usapan si Yayo Aguila sa social media at naging kontrobersiya pa, isang beteranang aktres si Yayo Aguila na umani na rin ng iba’t ibang award sa larangan ng pag arti.

Hindi na tumahimik si Yayo ng siya ay bansagang “The New Lap-lap Queen” pagkatapos maganap ang isang torrid kissing scene na napanuod online ng mga netizens.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Sa nasabing eksena, ka partner niya ang isang batang aktor na nasa 24 taong gulang, si Royce Cabera mula sa Cinemalaya 2019 film entitled ‘Fuccbois” na nag leaked online.

Ang naturang video ay mabilis kumalat na parang animoy c0r0navirus din sa bilis, lumabas ito sa iba’t-ibang social media platforms simula noong Abril 29,2020. Sa mga nakapanuod, inilarawan nila ang eksena ng kissing scene nina Yayo at Royce na “savage” at “legendary”.

Ang 52 taong gulang na aktres ay ngayon binigyan ng bansag na “The New Lap-lap Queen” dahil doon sa eksena, Marami namang memes ang lumalabas likha ng mga taong may malawak na imahinasyon at sense of humor, isa na dito ay ang memes kung saan isinasalin ni Angel Aquino ang korona kay Yayo Aguila.

Matatandaang si Angel Aquino ay nag viral din sa eksenang kasama ang batang aktor na si Tony Labrusca sa isang mapangahas na mga galawan at halikan.

“Ha! Ha! Ha! Natutuwa ako na natatawa sa Laplap Queen,” yan ang naging reaksyon ni Yayo sa mga nagbigay ng titulo sa kanya, anya she loved her role at karakter sa pelikula.

“Hindi ko makuhang magalit, kasi totoo namang ginawa ko yun sa eksena, and I have no regrets. I love our film, I love the character that I played, and I’m proud na ginawa ko yun,” dagdag pa ng aktres.

SOURCE: PHILNEWS

Loading...