Netizen Naawa Sa Isang Matandang Nakatulog Habang Nagtitinda Ng Ice Cream.

Isang larawan ng matanda na nagtitinda ng ice cream na nakatulog ang sa ngayon ay kinahabagan ng mga netizen. Makikitang may edad na si lolo subalit todo kayod pa rin ito upang magkaroon ng income at kanyang panustos sa pang araw-araw niyang gastusin.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Kadalasan sa mga katulad nila lolo ay mga wala ng pamilya, mga itinakwil ng anak, at ang iba naman ay likas talagang masipag at ayaw maging pabigat sa kanilang mga pamilya. Sinisikap pa rin nilang magbanat ng buto imbes na sana ay magpahinga na lamang sa bahay dahil ayaw nilang iasa na lamang ang kanilang sarili sa kanilang kaanak.

Si Lolo ay taga Cebu City na ibinahagi ng netizen na si Carlos Pajo sa Facebook. Nahabag siya sa kalagayan nito dahil di umano ay nakatulog na lamang ito ng nakaupo sa harap ng isang shop na kung saan siya nagtitinda, mukhang napagod sa paghahanap buhay.

Netizen Nahabag Sa Isang Matandang Nakatulog Habang Nagtitinda Ng Ice Cream

Kwento ng netizen na pumunta raw sila ng kanyang asawa sa palengke nila sa Pardo Public Market sa Cebu City ng makita niya ang matanda. Naisipan raw niya itong i-post upang makatulong siya sa kanyang kapwa.

“Naisipan ko po na i-post po para man lang makatulong ako sa kapwa tao…sa ganon paraan lang ako may maitutulong.” saad niya.

Napag-alaman naman na 73 taong gulang na ang matanda na kinikilala bilang si Mang Toro.

Hindi raw siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang ice cream vendor ngunit ayon sa ilang mga tao doon sa lugar ay sinasabi nila na ito raw ay nakatira kasama ang kanyang kapatid dahil isa siyang matandang binata at nais niya magbenta ng ice cream para makatulong sa mga gastusin sa bahay.

“Pero kung makakakita ako ng tulad ni tatay sa edad niya nagtitinda pa rin kahit nahihirapan para lang mabuhay ng marangal, naiiyak talaga ako.” wika ni Pajo.

Kung kaya’t naisipan niya itong ipost sa social media dahil baka sakaling may mabuting kalooban na tumulong sa matanda lalo na ngayon.

You may also read:

World Record: Siya pala ang 25-Anyos na babae na Nagsilang ng siyam na sanggol o “Nonuplets”.

Loading...