Makahiya, Isang Mabisang Gamot kapag Nilaga at Ininom Laban sa Sampung Sakit na Ito.

Ang makahiya ay itinuturing na damong ligaw dito sa Pilipinas. Naging makahiya ang pangalan nito dahil sa tuwing ito ay iyong hahawakan,tumitiklop ang dahon nito na tila nahihiya. May maraming tinik naman ang katawan nito at namumulaklak ng kulay rosas. Nagmula ang tanim na ito sa Amerika.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

1.Ang buong halaman ay maaaring gamitin sa panggagamot. Maaari itong ilaga at ipaunom sa taong may karamdaman. Maaari ding katasan ang halaman upang ipampahid sa ilang kondisyon sa balat.

2.Ugat. Ginagamit ang ugat ng makahiya sa panggagamot sa pamamagitan ng paglalaga at pag-inom sa pinaglagaan.

3.Dahon. Ang dahon ay maaaring ilaga din, o ihalo lamang sa inumin.

4.Buto. Ang buto naman ay kadalasang dinidikdik at ipinangtatapal sa ilang kondisyon sa katawan.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG MAKAHIYA?

1. Dysmenorrhea. Maaaring inumin ang pinaglagaan ng dahon ng makahiya para sa kondisyon ng dysmenorrhea o ang pananakit ng puson na kadalasang nararamadaman kapag may buwanang dalaw.

2. Hika. Nakatutulong naman ang pag-inom sa pinaglagaan ng buong halaman ng makahiya na mabawasan ang mga sintomas ng hika.

3. Ubo na may makapit na plema. Mabisa naman para sa kondisyon ng ubo na may makapit na plema (dry cough) ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng makahiya.

4. Sugat. Inilalagay naman ang dinikdik na buto ng makahiya sa mga sugat upang mapabilis ang paghilom ng mga ito. Ang katas mula sa dinikdik na halaman ay may kaparehong epekto din kung ipampapahid sa sugat.

5. Pasa. Ang mga pasa ay maaari naman lagyan ng dindikdik na dahon ng makahiya. Makatutulong ito upang mabilis na mawala ang maitim na kulay ng pasa.

6. Hirap sa pag-ihi. Mabisa naman para sa kondisyon ng hirap sa pag-ihi o ang pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng makahiya.

7. Almoranas. Ang pamamaga at pagsusugat ng tumbong dahil sa almoranas ay maaaring matulungan ng pag-inom sa gatas na hinaluan ng pinulbos na dahon at ugat ng halamang makahiya.

8. Diabetes. Pinaniniwalaan ding makakalunas ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng makahiya sa sakit na diabetes.

9. Galis. Maaari din gamitin ang katas ng dinikdik na halamang makahiya para sa pangangati at pagsusugat sa balat na dulot ng galis.

10. Pagtatae. Ang dahon ng makahiya ay maaaring ihalo sa inumin para maibsan ang pagtatae na nararanasan.

SOURCE: PLANTS AND PILLARS

You May Also Read:

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Loading...