Babaeng Tagalinis Ng Hotel, Hindi Napigilang Maiyak Sa Kanyang Nakita Nang Iangat Ang Kumot Sa Nililinis Na Kwarto

Walang madaling trabaho, kung kaya’t lahat ng ating nakukuhang pera ay galing sa pawis natin at pinaghirapan ito sa marangal na paraan.

Bisang isang taga linis ng hotel ay hindi rin biro ang pagiging ganitong trabaho, maliban sa iba’t ibang klase ng tao ang araw-araw mong nakakasalamuha, ang pagod at hirap ay hindi basta basta, lalo na kapag nakatyempo pa ng mga burarang hotel guest na walang pakundangan sa mga iniiwang kalat at walang pakialam sa hirap ng ibang tao dahil ang iniisip nila ay ang katagang ‘The customer is always right’.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Pero hindi naman lahat ay ganoon ang ugali mayroon din namang mababait at may respeto sa ibang tao. Ngunit sa isang pambihirang pagkakataon, naranasan ng isang hotel cleaner mula Utah ang mapaluha nang iangat niya ang kumot sa silid na kaniyang nililinis.

Isa si Shelly sa staff ng hotel na hinangaan ng kanyang manager dahil sa magandang performance nito sa trabaho. Narito ang salaysay ng kanyang unang araw sa trabaho:

Maaga pa lamang ay naroon na si Shelly sa hotel para sa unang araw ng kaniyang trabaho. Agad siyang nagsimulang magligpit ng lahat ng kalat na naroon sa silid na iniwan ng mga guest. Nag walis siya at nag-mop ng sahig. Pinalitan niya din ang mga punda at bed sheets. Hindi pa man din natatapos sa isang silid, may kasunod na silid na namang nakaabang na lilinisin. Hindi din siya nahuhuli sa kaniyang trabaho at bago pa man matapos ang kaniyang shift ay tapos na niya ang mga gawain.

Naging consistent si Shelly sa kaniyang ginagawa, ngunit kahit nais ng manager na bigyan siya ng extra maliban sa kaniyang sweldo ay hindi naman sapat ang kita ng hotel nang mga panahong iyon. Ngunit, sadyang nais niyang bigyan ng reward ang masipag niyang empleyado kaya noon ay tinawagan niya ang dalawang tao na kakilala niya na alam niyang makatutulong siya sa kaniyang hangarin.

Sina Kyle at Josh ay kapwa filmmaker na may magandang layunin – ang magbigay ng munting gantimpala sa mga taong masisipag at nagtatrabaho ng husto para sa kanilang pamilya. Binuo ng dalawa ang “Gift back films” kung saan nagkaroon ito ng maraming followers sa social media platforms dahil sa maganda nitong layunin. Nang malaman ng dalawa ang tungkol kay Shelly, hindi nagdalawang isip ang dalawa na gawin itong subject dahil na din sa mga kwento na ibinida sa kanila ng hotel manager na kanilang kaibigan.

Kaya naman hindi na nila pinatagal pa at sa pakikipagtulungan sa hotel manager, nag set-up ang dalawa ng mga camera sa isang silid ng hotel at sa kabilang silid ay naroon ang monitor kung saan aktwal nilang nakikita ang taong papasok sa silid na iyon. Sinadya nilang guluhin ang mga gamit sa kwarto at sa ilalim ng kumot ay naglagay sila ng pera na nagkakahalaga ng $500. Nag-iwan din sila ng note kung saan nakalagay doon na iyon ay tip para sa tagalinis.

Maayos nilang inilatag iyon sa ilalim ng kumot. Nang handa na ang lahat, tumawag na sila sa manager para simulan ang kanilang plano. Nang pasukin ni Shelly ang silid wala naman siyang nahalata dahil normal na sa kaniya na makakita ng ganoong kakalat na silid. Kaya noong mga oras na iyon ay sinimulan na niya ang paglilinis.

Sinimulan niyang ligpitin ang mga kalat, nag walis at nag-mop ng sahit. Noong makarating na siya sa bandang kama, labis na excitement ang naramdaman ng mga nasa kabilang silid sa magiging reaksyon nito kapag nakita niya kung ano ang naghihintay na surpresa sa kaniya. Niligpit niya at pinagpag ang mga unan at pinalitan ito ng mga punda. Isinunod niyang tanggalin ang linen at nang iangat niya ang kumot, halos mapaluha siya sa sobrang saya matapos makita ang pera na nakalatag sa kama para sa kaniya.

Hindi siya makapaniwala dahil karaniwang maliit na tip lamang ang kaniyang natatanggap. Sobrang laki ng $500 bilang tip dahil mas malaki pa di hamak iyon sa kaniyang buwanang sweldo.

Tuwang tuwa naman sina Josh at Kyle dahil matagumpay ang kanilang plano. Noong mga oras na iyon ay pinasok na nila ang silid kung nasaan si Shelly. Nagpakilala ang dalawa at umiiyak naman na nagpasalamat si Shelly. Gayunpaman, halos ayaw nitong tanggapin ang ganoong kalaking tip.

Ngunit, nagsalita ang kaniyang manager at ipinaliwanag niya kay Shelly na bahagi siya sa planong iyon dahil sa labis niyang tuwa sa maayos na pagtatrabaho ni Shelly. Iyon din ang nakita niyang paraan upang bigyan ang huli ng reward.

Tunay nga na ang mabuting gawain ay may hatid na gantimpala mula sa ating kapwa.

You May Also Read:

Natagpuan ang Kanyang Katawan sa Harap ng Computer na Wala ng Buhay dahil sa Walang Tigil na Paglalaro ng Video Game.

Loading...