Vice Ganda Nagulat sa Matinding Payo ni Annabelle Rama Tungkol Sa Nobyo Nito

Kapag narinig ang pangalang Annabelle Rama, ay isa lamang ang pumapasok sa isipan ng bawat tao, ito ay ang salitang ‘Prangka’. Di maikakaila talaga ang pagka prangka ng batikang artista na ito at talent manager ng iilang artista.

Matatawa ka nalang minsan sa sobrang prangka nito tungkol sa kanyang mga anak at sa iba pang usapin, kaya kinagigiliwan na rin ng mga manunuod ang kanyang mga interview na tiyak namang kapupulutan ng aral.

Isang kilalang TV Host na si Vice Ganda ay hindi rin nakailag sa mga patutsada ni Tita Annabelle, ito ay ang usapin tungkol sa bagong nagpapakilig sa kanya na si Ion Perez.

Naging laman ng social media at showbiz issues ang relasyong Ion Perez at Vice Ganda na bukas naman sa publiko, ang dalawang ito ay kapwa makikita sa iisang noontime show’It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Si Ion Perez ay naging Kuya Escort sa nasabing noon time show at doon nagsimula nag tuksuhan sa pagitan nilang dalawa.

Naging super close sina Ion Perez at Vice Ganda na naging kapansin pansin sa kanilang mga manonood. Dahil dito, naging bulung bulungan ang relasyon na namamagitan sa dalawa. Oktubre 2018 naman nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nitong mga nakaraang episode ng show ni Vice na “Gandang Gabi Vice” ay naging guest niya si Tita Annabelle Rama, at parang reading ready at handang sumagot si Tita Annabelle sa kanyang segment na “Sagot o Lagot”.

Isa sa mga napag-usapan ay ang tungkol sa dating karelasyon ng anak niyang si Ruffa at si Yilmaz Bektas,na ayon kay Tita Annabelle ,gusto niyang magkaroon ng mabuting relasyon ang dalawa.

Hindi naman napigilang magkomento ni Vice Ganda tungkol sa pag-ibig. Sinabi ni Vice na ang pag-ibig ay hindi dapat iniaayon sa edad at sa estado sa buhay. Prangka namang sumagot si Tita Annabelle, “Tandaan mo kapag bata ang kinakasama mo, iiwan ka rin niyan!”

Nagulat naman si Vice sa prangkang sagot ni Tita Annabelle sa kaniya ngunit ginawa niya na lamang itong biro at sumigaw ng napakalakas.

“Waaaaaaahhhhh! Hay naku Tita! Wala to…Wala to…whoooo tissue nga, ang init!”

Nagtawanan naman ang audience sa ginawa ni Vice pero agad niyang pinutol ang usapan at muling ibinalik ng topic kay Ruffa.

Loading...