Robin Padilla, May Pasabog Sa Totoong Ugali ni Coco Martin Sa Likod ng Kamera.

Nitong mga nakaraang buwan ay naging laman ng showbiz balita si Robin Padilla dahil sa mga negatibong pahayag nito sa ABS-CBN, sa kanyang pahayag laban sa nasabing network ay may mga pangalan ng sikat na artista siyang dinamay, ilan sa mga ito ay si Coco Martin, isang kapamilya network highest-paid actors.

Marami ang nagulat sa mga rebelasyong pinahayag ni Robin Padilla tungkol sa tunay umanong ugali ni Coco Martin sa likod ng camera.

Sa instagram, may isang netizen na nag komento, na dapat daw ay sundin ni Robin ang yapak ni Coco Martin na tumutulong sa kapwa nito artista sa pamamagitan ng pagbigay ng role sa mga show nito tulad ng “Ang Probinsyano”, nagalit umano si Robin sa pahayag na ito kaya ng lumaon ay may pinsabog sya tungkol kay Coco.

 

Ayon kay Robin Padilla, ang hinahangaan niyong Aktor ay hindi palagiang Santo sa likod ng kamera, sa katunayan di umanoy kilala ito sa pagka mainisin kapag nasa taping, na naka apekto umano sa ibang kasamahan nitong artista at crew.

“Wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera matagal na pong practice yan, natutunan lang po yan ni direk coco sa mga naunang action stars, siguro po mainam sabihin niyo po kay direk coco na ‘wag bubuhusan ng tubig ‘yung mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae.”

Dagdag pa ni Robin na hindi lang daw siya ang unang aktor na nawalan ng gana sa ABS-CBN dahil sa unfair nitong pagtrato, sa katunayan ito rin ang dahilan kung bakit hindi na bumalik pa si John Lloyd Cruz sa showbiz industry, kung inyong matatandaan ay nag file si John Lloyd ng indefinite leave of absence noong October 2017.

Sa kabila nito ang pangalan ni Robin Padilla ay nakatatak na sa publiko at nag iwan ng legasiya sa larangan ng pelikula. Sa ngayon ay wala pang pahayag si Coco Martin sa issue.

SOURCE: SASAFEED

Loading...