Netizen, Namangha sa Pinamalas na Ugali ng Lalaking Ito Matapos Mabangga ang Kanyang Kotse.

Naging usap-usapang muli sa Social Media ang isang banggaang naganap noong Setyembre 18. Nagmula ito sa isang Facebook Page na kung saan ibinahagi ang naganap na salpukan ng isang motor sa likod ng kotse.

Pagkatapos masalpok ng motor ang likurang bahagi ng kotse,ay bumaba ang driver ng kotse upang tingnan ang nangyari sa likuran ng sasakyan.

Sa galaw at hitsura ng driver ay parang susugod ito pero nagulat nalang ang driver ng motor ng mahinahon siyang tinanong kung ayos lamang ba ang kalagayan nito? o may naramdamang sakit dulot ng pagsalpok.

Ng makita ang damage sa likod ng kanyang sasakyan ay wala naman itong ibang sinabi, bagkus nagawa pa niyang kamayan ang lalaki at sumakay na ulit sa kotse na para bang walang nangyari.

Sa mga nakasaksi sa nangyari at kumuha ng video, napahanga sila sa inasal ng lalaki “ang bait nung driver” . Kadalasan kasi sa mga ganitong pangyayari, tumatagal pa ito dahil may mga imbestigasyon pa at sisihang nangyayari.Kaya naman marami ang pumuri sa pinamalas na ugali ng driver ng kotse.

Inulan naman ng magagandang komento ang nasabing post, mga paghanga ng netizen sa driver ng kotse. Sana marami pang ganyan ka kalmado at pasensyosong may ari, dahil mas lalong bini bless ni Lord ang taong mapagpakumbaba.

Loading...