Namangha ang mga Netizens, Sa Dream House ng Gasoline Boy na Malapit ng Matapos-Coming into Reality.

Sino nga ba ang taong walang pangarap sa buhay? Lahat yata ay nangangarap na magkaroon ng magandang buhay, kalakip na ang pagkakaroon ng sariling tahimik na bahay, sasakyan, negosyo at masayang pamilya.

Ngunit, isang malaking pagsubok sa bawat isa kung paano matutupad ang mga ninanais na pangarap. May mga pangarap tayo na likas na maaabot kapag ito ay pinagsikapan at pinag ipunan.

Tulad na lamang ng isang Gasoline Boy na ito, na minsan ay nangarap na matupad ang kanyang Dream House, sa kabila ng kanyang trabaho.

Umani ng papuri Si Igue G. Varra, 26 taong gulang at isang gasoline boy mula sa mga netizens ng kanyang ibinahagi ang litrato ng kanyang pinapatayong dream house, kalakip na dito ang drawing, may 2 bedrooms, may terrace, bathroom isang simpleng living room, kusina at ang kanyang dining area.

May laki na 22×24 ft. floor area, pangarap nya noon na ipatayo ito sa Pampanga, ngayon siya mismo parang di makapaniwalang natutupad na ito.

Nagsimula siyang ipatayo ito noong Marso 3, 2020 na may 3 karpentero. Sobrang saya niya na sa wakas ay natupad na din ang matagal na nyang pangarap na bahay.

Pansamantalang natigil muna ito dahil sa ipinapatupad ng community quarantine sa buong bansa. Medyu malaki na rin daw ang kanyang nagastos na nasa P250,000 pero hindi niya ito pinagsisihan dahil isa itong magandang regalo niya sa kanyang sarili at sa pamilya.

Talagang isang inspirasyon siya sa maraming nangangarap din sa buhay, tiyaga, sipag at determinasyon lang ang kailangan para ang pangarap ay lubusang makamtan.

Loading...