Mister na Sobrang Lasing, Itinali ng Kanyang Misis sa Motor na Para Bang Isang ‘Package’ upang Mai-uwi.

Normal na para sa mga lalaki ang uminom ng alak dahil pampapawi daw ito ng kanilang pagod kapag sila ay nagtatrabaho, kaya bago umuwi sa kanilang mga tahanan minsan ay napapainom pa sila kasama ang mga barkada.

You May Also Read:

Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.

Mga Supot ng Asin na Ipinamimigay sa Isang Community Pantry, May Sorpresang Pera na Nakatago sa Loob.

Dakilang Doktor, Mas Piniling Sagipin ang Buhay ng Isang Pasyente Habang Kritikal naman ang Buhay ng kanyang Ama!

Subalit, dapat din nilang isa-isip na uminom lamang ng tama at yung kaya ng kanilang katawan upang maka-uwi ng ligtas sa kanilang tahanan. Minsan ay sinusundo na nga lang ng kanilang mga Misis dahil di na kayang umuwi bunga ng sobrang kalasingan.

Ngunit, isang larawan kamakailan ang nag viral sa social media na talagang angkop sa ating pinag-uusapan sa ngayon. Makikita sa larawang ito ang ginawa ng isang Misis sa kanyang Mister na kanyang itinali sa motosiklo dahil sa sobrang kalasingan.

Nakita umano ng misis ang kaniyang mister na lasing na lasing kaya niya ito ginawa. Makikita sa larawan na habang nakatali ang mister ay pahiga pa ang puwesto nito na tila ba natutulog lamang. Ang larawang ito ay posible umanong kuha sa Vietnam.

Ito ang ideyang naisip ng misis para maiuwi sa kanilang tahanan ang asawang lasing dahil di na kayang umangkas nito. Marami naman ang nagbigay ng komento lalo na ang mga kababaihan na maganda daw itong ideya na puwede rin nilang gayahin sa kanilang mister kung ito ay malasing.

Marami ring mister ang nag-komento sa larawang ito at sinabing hindi ito maganda at delikad0 para sa kanilang mga lalaki ang ginawa ng misis na ito. Maaari umano silang mahulog sa motorsiklo at mabÄlian ng but0.

Maging paalala sana ito sa mga asawa na uminom lamang ng tama at isipin muna ang pamilya. Wag gawing madalas ito dahil nakakasama sa katawan at walang magandang maidudulot.

You May Also Read:

Batang Mangyan, Binigyan ng Full Scholarship Matapos na Kusang Nag Donate ng Kamote sa Isang Community Pantry.

Loading...