Mga Anak, Itinuturing ang Kanilang Ina na “Walang Silbi” at “Pabigat”Matapos na ma Stroke Dahil sa Sobrang Trabaho.

Walang katumbas na salapi ang pagmamahal ng isang Ina sa kanyang mga anak. Maraming sakripisyo ang tiniis ng isang magulang at bilang isang Ina sa kanyang mga anak simula ng ito’y nasa sinapupunan pa lamang nila, kung kaya’t bilang anak ay sana magantihan sila ng isang wagas na pagmamahal sa kanilang pagtanda.

You May Also Read:

Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.

Mga Supot ng Asin na Ipinamimigay sa Isang Community Pantry, May Sorpresang Pera na Nakatago sa Loob.

Dakilang Doktor, Mas Piniling Sagipin ang Buhay ng Isang Pasyente Habang Kritikal naman ang Buhay ng kanyang Ama!

Pero tila kakaiba ang naranasan ng isang ginang sa piling ng kanyang mga minamahal na anak. Ang ginang na ito ay kinilala kay Aling Linda na nasa 47 anyos, sa nasabing edad ay na stroke ng maaga si Aling Linda. Isa sa mga dahilan ng kanyang pagka stroke ay ang walang humpay na pagtatrabaho at di wastong pagpapahinga upang maitaguyod ang pamilya.

Isang Security Guard ang asawa ni Aling Linda, at siya naman ay on call all around kasambahay sa sinumang gustong magpatrabaho sa kanya.

Mga anak na inaaway ang kanilang ina na 'walang silbi' at 'pabigat',  matapos itong ma stroke dahil sa kakatrabaho

Noong bata pa si Aling Linda ay sanay na sanay na ito sa mga gawain at hirap sa buhay dahil sa lumaking sala’t din sila sa buhay. Ito rin marahil ang isang rason kung bakit mabilis na bumigay ang katawan ni Aling Linda sa edad na 47.

Dahil sobrang alaga ni Aling Linda ang kanyang anak at asawa, mukhang di nila nakasanayan ang gumawa ng gawaing bahay at tila naging kasalanan pa ng kanilang Ina kung bakit ito nasa malalang sitwasyon.

Nung una daw ay inaasikaso pa nila ang kanilang Ina ngunit katagalan ay hindi na nila naaalagaan ito.

Mas may oras pa daw sila sa gala kasama ang barkada at paglalasing, imbis na umuwi at pakainin ang inang gutom at walang muwang sa mga nangyayari.

Mga anak na inaaway ang kanilang ina na 'walang silbi' at 'pabigat',  matapos itong ma stroke dahil sa kakatrabaho

Hindi na kayang tumayo ni Aling Linda kung kaya’t parang pabigat na ito sa kanyang Pamilya, at hindi nila magagawa ang kanilang mga gustong gagawin sa buhay.

 

Minsan pa ay narinig ni Aling Linda ang pag-uusap ng dalawa niyang dalagang anak at Inis na inis ang mga ito sa kanya dahil sa hindi sila makakasama sa pag-outing ng mga kaibigan nila, halos madurog ang puso ni aling linda sa mga narinig.

Heart Attack In Women: Ang 4 Warning Signs Na Dapat Mong Malaman |  theAsianparent Philippines

Subalit, kinikimkim na lamang ng ginang ang lahat ng sama ng loob nito dahil hindi rin ito makapagsalita. Nararamdaman na rin niyang nagtataksil na ang kanyang asawa kaya’t di niya napigil ang humagulhol sa sobrang sama ng loob.

Dahil sa mga sama ng loob na kanyang kinikimkim. sa kasamaang palad ay inatake ito sa puso at hindi na nakaabot pa sa hospital na labis namang ikinagulat ng kanyang mga anak.

Ang inang nagsakripisyo para sa kanilang lahat ay ngayo’y isa na lamang ala-ala sa kanila. Nawa’y wag itong mangyari sa kanino mang pamilya.

You May Also Read:

83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!

Loading...