Gulong ng Kotse, Na-flat dahil sa Nasagasaang Pustiso “Pm please para maisauli ko ang pustiso, Anong Brand Daw Kaya Ito?”

Ang pagkakaroon ng aberya sa daan ay di maiiwasan, at kadalasan ito ay ang pagka flat ng gulong na dulot minsan ng mga matitigas na bagay na madaanan, tulad ng pako at kung ano pang matutulis na materyales.

You May Also Read:

Mga Anak, Itinuturing ang Kanilang Ina na “Walang Silbi” at “Pabigat”Matapos na ma Stroke Dahil sa Sobrang Trabaho.

83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!

Nakakatindig Balahibo! 4-anyos na Bata, Muntik nang Mabingi dahil sa Garapata mula sa kanyang Alaga.

Subalit, kakaiba ang isang post sa social media na kamakailan ay nagviral, ito ay patungkol sa sasakyang na flat dulot ng isang pustiso.

Kaya na e post ito ng netizen dahil sa kakaibang kadahilanan ng pagka-flat ng gulong ng sasakyan.

Ayon sa isang Bayan Patroller na si Leo Padilla-Ricarte ng Barangay Sta. Elena, Iligan City, Lanao del Norte, nang makita niya ang pustiso sa gulong ay medyo naguluhan siya.

Patawa pa niyang sinabi sa social media na kung sino an ang may-ari ng pustiso na nakabutas sa kanyang goma, pm lang daw sa kanya para maisuli niya ang dentures.

“PANAWAGAN: Kung kinsa man ning postiso ni buslot sako ligid, pm lang pls kay ako iuli,” sabi ng may ari ng kotse.

“NOTED: Wala nako naligsi ang tag-iya ha…simbako!,” dagdag pa niya.

Hindi makapaniwala ang may-ari na pustiso talaga ang dahilan ng pagka-flat ng kanyang gulong at sa laki ng butas nito kailangan pa niyang palitan ang kanyang goma.

Marami namang mga netizens ang natawa sa post ng may-ari at binaha agad ng mga komento.

“Ang gulong made in China. Ang pustiso made in USA.”

“Baka puro pangil yung pustiso.”

“Nagutom yung ngipin sa ka aantay ng ayuda kaya pati yung goma pinatulan.”

Sa kabilang banda, inulan din ng maraming mga negatibong komento ang kanyang post. May iba na hindi naniniwala na totoo ang nasa post na ipinakita ng may-ari.

“Mema lang scripted dami naman naniwala agad, isipin nyo nga mabuti”

“Hindi ako naniwala kung na gulongan. Bakit sa gilid ang tama. Mga kalokohan.”

“Butas? Bakit hindi naflat ang gulong sa pirure?”

“Scripted yan ng may-ari ng kotse, para maging viral. Kinabit bago picturan.”

Sa updated post naman ng may-ari ipinanawagan niya kung sino ang may-ari ng dentures. Kailangan niya magpakita dahil marami na ang nagtanong sa kanya kung ano ang brand ng pustiso.

Panoorin ang buong video dito!

You May Also Read:

TIGNAN: Isang Ama na Nagtatrabaho Bilang Lineman,Isinuot ang Pakpak na Gawa ng kanyang Anak.

 

Loading...