Emosyonal ang isang Pinay nang malamang isa palang Hari ang tunay na Ama.

Talaga ngang mapaglaro ang tadhana, sa isang iglap ay pwedeng umiba ang takbo ng buhay mo dahil sa mga malalaman mo.

Naging viral ngayon sa social media ang kwento ng isang Pinay na mayroong amang isang Hari at siya pala ay Prinsesa.

Marami ang nangangarap ng magandang buhay, tulad ng mga bata palaging pangarap nila ang maging isang prinsesa katulad ng mga fairy tale na nababasa nila.

Ngunit tila panaginip lang ang lahat sa kwento ng buhay ng isang Pinay na ito, Hari sa Malaysia pala ang kanyang tunay na ama.

Sa isang Facebook Fan Page na ‘Humans of New York’, ibinahagi nito ang nakakagulat na kwento na hango sa tunay na buhay ng isang Pinay na prinsesa.

Ayon sa kwento ng babae, noong bata pa lamang siya ay sinasabi na sa kanya ng kanyang ina na isang hari ang kanyang ama at isa siyang prinsesa kung kaya naman masayang-masaya siya tuwing sinasabi ito ng kanyang ina sa kanya.

Pero dumating din sa mga panahong sinasabi nito sa kanyang sarili na baka hindi naman ito totoo at sinasabi lamang ito ng kanyang ina para maging masaya siya at para hindi na niya hanapin ang kanyang ama.

“I remember there was a day in kindergarten when we were supposed to bring our dads to school. It was some type of performance or something. I’d never met my father. So I asked my mom if he could come, and she told me: ‘He’s too busy. He lives in Malaysia. And he’s a king.’ My father was a king? That meant I was a princess.. It made me feel so proud. But as I got older, I came to realize it was an elaborate story my mom had invented to comfort me.” kwento nito.

Ngunit lumipas ang panahon ay doon niya nadiskubre na totoo pala lahat ng kwento ng kanyang ina na isa palang hari ang kanyang ama at isa siyang prinsesa.

Dumating ang panahon na lumipat sila ng kanyang ina sa bansang Estados Unidos para doon na manirahan hanggang sa magdalaga siya.

Kwento nito, 14-anyos na siya noong mayroong hindi inaasahang tawag sa telepono ang kanyang natanggap at hindi nito kilala ang boses kung kaya naman agad niyang ibinigay ang telepono sa kanyang ina upang ito na ang kumausap.

Matapos ang pag-uusap ng kanyang ina at ng misteryosong lalaki ay sinabi sa kanya ng kanyang ina na nais siyang makilala ng kanyang tunay na ama kung kaya naman pumunta sila ng London at pansamantalang tumuloy sa isang sikat na hotel.

Makalipas ang isang araw sa hotel, niyaya sila ng kanyang ama na hari para kumain sa restaurant sa kanilang tinutuluyang hotel at doon na nga nila nakikilala si ‘Sultan of Pahang’ o ‘the king and the hereditary constitutional head of Pahang, Malaysia, na kanyang tunay na ama.

Loading...