Doktor, Inulan ng Paghanga ng Maisalba ang Batang Hindi Na Humihinga, Di niya Tinigilan ang Pag CPR hanggang Mabuhay Ulit.

Ang pagiging Doktor ay isa sa mga hinahangaang propesyon sa kadahilanang may malaking papel silang ginagampanan sa lipunan. Buhay ang kanilang pinapahalagahan kahit pa man minsan ay hindi mababayaran ng salapi ang kanilang pagod at sakripisyo sa bayan.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Katulad ng mga Military at Pulis na iniaalay ang buhay sa bayan, ang mga Doktor na man ay ginagawa ang lahat ng makakayanan para madugtungan ang buhay ng ating mamamayan.

Kaya pinarangalan kamakailan ang isang doktor sa Negros Occidental dahil sa matagumpay niyang naisalba ang buhay ng sanggol na bagong silang dahil hindi na umano ito humihinga at nangingitim na.

Isinilang ng 18 anyos na babae ang sanggol sa La Castellana, Negros Occidental noong Disyembre 27, noong araw ding yun ay idedeklara na sanang walang buhay ang sanggol, mabuti na lamang at lumabas ang Doktor na si Enrico Elumba at nag utos sa kanyang mga staff na gawin ang CPR o Cardiopulmonary Resuscitation.

Umabot din nang humigit-kumulang 30 minuto ang ginawang mouth-to-mouth rєsuscitαtion sα batα, nang himalang nasagip ito.

Ayon kay Dr. Elumba, nahirapan umano ang 18-anyos na ina sa pαnganganak, na isa sa mga posibleng dahilan kung bakit ang sanggol ay hiη∂i na humihiηgα pagkalabas nito.

“Kasi 18 years old palang ‘yung nanay, parang pinipigilan niyang lumabas yung bata kaya hiη∂i na nakahiηga, Makikita na sana ang baby dahil lumalabas na ang ulo niya.”pagbabahagi ni Dr. Elumba .

Sa tuwa at pasasalamat sa ginawang pagligtas ng doktor sa sangol, pinangalanan ito na Enrica Paula na hango sa pangalan ng doktor at ng isa pang tumulong na medical staff na si Paul Abrahan Cortez.

Samantala, inulan naman ng papuri ang doktor mula sa mga netizens dahil sa kaniyang ginawa

Loading...