Dalawang Bata, Nasilayang Natutulog sa Kariton ng Rambutan Habang ang Kanilang Ina ay Nagtitinda!May Panawagan naman ang Netizen.

Maituturing na isang wonderwoman ang bawat Ina, hindi dahil sa mayroon silang super power, kundi nakuha nilang gawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Pagod at hirap ay kanilang nilalabanan upang may maipakain sa kanilang pamilya.

You May Also Read:

Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.

Mga Supot ng Asin na Ipinamimigay sa Isang Community Pantry, May Sorpresang Pera na Nakatago sa Loob.

Dakilang Doktor, Mas Piniling Sagipin ang Buhay ng Isang Pasyente Habang Kritikal naman ang Buhay ng kanyang Ama!

Di hadlang para sa isang Ina ang gumawa ng ideya upang kumita habang nagbabantay sa kaniyang mga anak. Katulad ng isang sitwasyon na nasaksihan ng netizen na si Shair Joy Mendelez habang siya ay namimili sa Divisoria.

Ayon kay Shair, nakita niya ang kalagayan ng dalawang bata na mahimbing na natutulog sa kariton habang ang Ina ay nagtitinda ng prutas.

Nagtitinda ng rambutan ang ina ng dalawang bata at mayroon ring inihaw na mais. Naawa at nahabag umano si Shair sa kanyang nakita dahil wala umanong halos bumibili rito. Kaya naman naisip niyang bumili ng 3 kilong rambutan at 5 pirasong inihaw na mais.

Pahayag ni Shair, sana raw ay mas piliin natin na bumili sa mga kagaya nila kaysa sa supermarket dahil mas malaki ang pangangailangan ng tulad nila. Makikita sa larawan na isinama ng ina ang kanyang dalawang anak. Marahil ay wala siyang mapag-iwanan at wala siyang ibang pagpipilian kundi isama na lamang ang mga ito.

Narito ang post ni Shair:

Kanina habang namimili ako sa Divisoria. Nakita ko ang isang mag anak na nagtitinda sa bangketa. Ang Nanay nag titinda ng rambutan at ang tatay ay nag titinda ng Mais na inihaw. Habang ang kanilang mga anak ay natutulog sa loob ng kariton na kanilang pinaglalagyan ng panindang rambutan.

“Naawa ako dahil walang halos bumibili kaya nag desisyon akong bumili ng 3 kilong rambutan at 5 pirasong inihaw na mais. Sana mas piliin natin na bumili sa kanila kesa s mga supermarket. Dahil sa supermarket ang may ari nyan ay walang problema sa pera di tulad ng mga nagbebenta sa bangketa na isang kahig isang tuka.”

You May Also Read:

Mga Nagprotesta Naghingi ng 10K Ayuda Monthly, Binat!kos.Mahiya kayo sa mga PWD. Magbanat kayo ng bµto!

Loading...