Babaeng Na-0spital,Todo Make-Up With Plakadong Kilay Dahil lang Bibisita si Boyfriend.

Kadalasan ng mga na-0ospital ay talagang nag-iiba ang itsura dahil sa stress, dulot ng kanilang sakit, namumutla at hindi na makapag-ayos ng mabuti.

Pero mapapahanga ka naman sa isang Vietnamese influencer na ito na nag-ayos ng mabuti at todo make up dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang nobyo na nasa hindi magandang ayos at itsura, kaya kahit may sakit ay sinikap nitong mag ayos sa sarili.

Mula sa site ng world of buzz, ang babae ay kinilalang si Wangmei, ay talagang medyu nataranta ng malaman nyang bibisita ang kanyang boyfriend habang siya ay naka confine, sa sobrang pagka excited ay nagpost pa ito sa kanyang facebook account na nagsasabing:

” My Boyfriend is coming to see me!”

Bago pa man makita ang kanyang totoong itsura ay nakapag apply na ito ng make up sa kanyang mukha, hindi lamang simple kundi ay full-face make up pa ang kanyang inilagay na may kasama pang plakadong kilay, highlighter, blush on at false eyelashes.

Nakapag kulay pa daw ng kuko at nakasuot ng hikaw na bongga kahit na medyu mahirap ang kalagayan nya dahil sa oxygen na nakalagay sa kanyang ilong.

Kaya napansin ito ng mga netizen na mukhang papuntang gimikan lang daw ang babae at hindi makikitang maysakit ito sa ganyang postura dahil sa mga suot na palamuti at make-up sa mukha.

Wala namang masama sana kung nais lang niyang maging maayos sa pananaw ng kanyang boyfriend, ngunit mukhang nasobrahan naman yata sa ayos siya, at kung talagang mahal ka ay matatanggap ka nito ng buo at mas maintindihan dahil sa kanyang kalagayan.

Loading...