Vice Ganda, Kinagulat ang mga Nakitang Patola at Posas sa Kwarto ng Singer-Actress Na Si Angeline Quinto.

Isa sa mga sikat at kilalang singer si Angeline Quinto. Marami rin ang humahanga sa personalidad ng singer dahil sa napaka prangka nito at walang tinatago kahit pa man e bash ito ng ilang tao.

Kilalang wholesome rin ang singer at minsan nang naging trending dahil sa kanyang mga magagandang nagawa sa kanyang pamilya at kababayan.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Subalit, may ikinagulat ang komedyanteng si Vice-Ganda ng mayroon siyang natuklasan sa loob ng kwarto ng singer. Dahil kilalang wholesome nga ang dalaga, di inasahan ng komedyante na makita ang bagay na ito.

Sa ginawa ngang house raid ni Vice sa kwarto ng singer-actress, ay hindi niya inaasahan na makakakita siya sa loob ng silid nito ng malaking patola sa loob ng punda ng unan nito. Maliban pa dito, ay nakakita rin ng pulang posas at sleep mask ang comedian-TV host sa ilalim ng kutson ni Angeline.

Walang ideya si Angeline na bibisitahin siya ng TV host sa kanyang tahanan, kaya naman talagang ikinagulat niya ng dumating ito.

Ayon nga kay Vice, noon pa man ay labas-pasok na siya sa bahay ng kaibigan, kaya bakit pa umano naitanong nito kung bakit siya naroroon. Agad namang pumasok si Vice sa bahay ni Angeline, at dire-diretso nga ito hanggang sa kwrato ng singer-actress, na pinipigilan pa nga ni Angge.

Pagdating sa kwarto, ay maraming mga bagay-bagay ang kinalikot ni Vice, hanggang sa pinili nitong mahiga sa kama. Inaya rin niya si Angeline na mahiga, upang doon ay maka-kwentuhan ang kaibigan.

“Kung inaantok ka, sana doon ka sa inyo natulog”, ang naging sabi naman ni Angge kay Vice. Isa-isa namang tiningan ni Vice ang mga unan ni Angge, na ipinagyayabang pa nga ng singer na mga bago ang mga ito, pati na ang punda. At sa kaka-tsek ni Vice, ay mayroon nga siyang malaking bagay na nakapa sa loob ng punda.

Gulat na gulat nga si Vice ng makitang ang malaking bagay pala na kanyang nakapa sa loob ng punda ni Angge, ay isang patola. “Ano ito Angge?” “Bakit may ganito ka sa kuwarto? Bakit ka may patola sa kwarto?, ang naging sigaw na patanong ni Vice sa kaibigang singer.


Agad naman itong sinagot ni Angeline na,”Swerte nga raw”.

“Hinihimas-himas mo ‘yan para makatulog ka ‘noh? Ang naging pang-aasar nga ni Meme Vice kay Angeline, na halatang nagpipigil ng tawa. Sambit naman ng singer,” Hindi sa unan.”

Tinanong pa nga ni Vice si Angge, kung nalaman ba ng kanyang Mama Bob, noong nabubuhay pa ito, na mayroon itong patola sa loob ng kwarto.


“Alam ba ni Mama Bob na naglalaro ka ng patola sa kwarto?, natatawa ngang tanong ni Vice kay Angeline.

At ng i-angat nga ng TV host ang kutson ay may mga bagay pa itong nakita, na nagparamdam na tila gusto ng lumubog ni Angeline sa kanyang kinatatayuan ng mga oras na iyon, dahil hiya na nararamdaman nito.

Nang sagutin nga ni ANgge, si Vice na bigay lamang sa kanya ang mga iyon, ay dito na nabuking na kay Angeline nga ang posas at sleep mask kasama na ang dice.
“Grow wild si Ate Girl (Angeline)”, ani Vice.

Dahil nga sa mga nakitang ito ni Vice sa kwarto ni Angeline, ay hindi na nga malaman ng dalaga, kung ano ang kanyang gagawin. Kaya naman talagang pilit niyang kinukuha kay Vice ang mga nakita nitong gamit niya.

Inusisa pa nga ni Vice kung saan nabili ni Angeline ang mga bagay na kanyang nakita, at ayon nga sa singer-actress ay bigay lamang sa kanya ang mga ito.

You May Also Read:

Kakaibang Bagay ang Natuklasan sa isang Beach, na Naging Susi sa Isang Matagal na Lihim ng Lugar na Ito.

Loading...