Rider, Naiyak ng Hindi Na-deliver ang Order Dahil na Snatched Ang Cellphone na Gamit sa Trabaho pati ang Ipon nito.

Marami ang naantig sa naging karansan ng isang food delivery rider kung saan ibinahagi sa Social Media ng kanyang kasama , ayon sa post niya umiyak ang kasamahan nila habang nagpapaliwanag kung bakit na delay siya sa pagdeliver ng order ng customer.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Ayon sa umiiyak na rider, ang kanyang cellphone na siyang pinakamahalagang gamit sa trabaho ay na snatched habang hinahanap ang lugar ng kanyang paghahatidan na customer.

Hindi lamang pala ang kanyang cellphone ang nalimas pati na rin ang kanyang tanging ipon na nilalagay sa casing ng kanyang cellphone.

Nag trending naman ang post ng kanyang kasama dahil sa mapait na sinapit ng rider na ito, “Isa sa ating night rider ang bumalik na dala pa din ang dapat niyang i-dedeliver na order,” ayon sa nagpost.

“Ayon sa kanya, habang hinahanap niya ang delivery point ng customer ay hinablot ng di kilalang tao ang kanyang cellphone kaya hindi niya madeliver ang order dahil nawalan siya ng pang-contact sa customer.”

At naiyak na nga ang rider habang kinikwento ang nangyari sa kanya “Naiyak na lang ang ating Rider dahil bukod sa hinuhulugan pa niya ito sa home credit ay napasama pa dito ang kaunting ipon na nakasiksik sa case.

“Hindi din niya alam ngayon kung pano siya mag tatrabaho dahil nawalan siya ng pang hanap buhay na cellphone. Wag po sana nating gawin ‘to sa kapwa natin. “Lalo sa mga riders na nag tatrabaho ng marangal, Dahil hindi naman natin alam ang pinag dadaanan ng bawat isa sa atin para lang mabuhay sa araw-araw.”

Narito ang buong post:

“PASENSYA NA PO SA DELAY”
Isa sa ating night rider ang bumalik na dala pa din ang dapat nyang idedeliver na order. Ayon sa kanya, habang hinahanap nya ang delivery point ng Customer ay hinablot ng di kilalang tao ang kanyang cellphone kaya hindi nya madeliver ang order dahil nawalan sya ng pang contact sa customer.
Naiyak na lang ang ating Rider dahil bukod sa hinuhilugan pa nya ito sa home credit ay napasama pa dito ang kaunting ipon na nakasiksik sa case . Hindi din nya alam ngayon kung pano sya mag tatrabaho dahil nawalan sya ng pang hanap buhay na Cellphone.
Wag po sana nating gawin to sa kapwa natin lalo sa mga riders na nag tatrabaho ng marangal, Dahil hindi naman natin alam ang pinag dadaanan ng bawat isa sa atin para lang mabuhay sa araw-araw.
Para sa mga gustong mag paabot ng konting tulong.
GCash number: 09651833895
Account name: Glezel B.
Salamat po and Godbless.

You May Also Read:

Dating Kinukutya ay Isa ng Don ng Makatagpo ng Baul na Puno ng Kayamanan sa Construction Site, Subalit Di Niya Inaasahan ang Mapait na Kapalit.

Loading...