Online Seller na Minaliit at na Unfriend noon, Matindi ang Bwelta sa mga Mapanghusgang Kaibigan at Pamilya.

Isa sa naging patok na pinagkakakitaan sa ngayon ay ang pagiging online seller, sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap marami talaga ang nawalan ng trabaho at kanya-kanyang diskarte na lamang upang makahanap ng pagkakitaan.

Ang pagiging online seller ay isang magandang negosyo kung talagang dedikado kang mapaunlad ito. Hawak mo ang oras mo at unlimited pa ang income mo, plus hindi mo na kailangang lumako na naglalakad dahil kusang customer pa ang mag me-message sayo kung naging maganda ang tinda mo.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Kahit mga sikat na celebrity ay napapa online sell din, subalit di maiiwasang may mga taong minamaliit ang trabahong ito. Katulad na lamang sa ibinahagi ng isang online seller na ito kung saan nakatanggap siya ng pangungutya at pangmamaliit mula pa sa mga kaibigan at kamag-anak niya.

Ang netizen ay si Kat Liam Lucas Trujillo-Ureta, founder ng Perfect Skin All Naturals na supplier ng organic beauty, cosmetic and personal care products mula sa Bacolod City, na lubhang nagsumikap upang maabot ang mga pangarap, bunga ng kanyang pagtitinda online.

Sa isang social media post ibinahagi ni Kat kung paano niya naranasan ang pangmamaliit at panghuhusga sa kanya ng kapwa dahil isa lamang siyang ‘online seller’.

“Sayang si Kat no, naging online seller lang. ‘Yan ang mga salitang parati kong nariring sa mga kaibigan at relatives ko noon,”

Naranasan din raw niyang i-unfriend sa social media ng mga itinuturing niyang kaibigan dahil sa mga ipino-post niyang mga paninda.

“Naranasan ko na rin na pinag uunfriend ako ng mga taong akala ko friends ko kasi daw puro paninda post ko. Relate din hu kayo ba?” dagdag niya.

Ngunit sa kabila ng lahat ng panghuhusga, ay taas noong ipinagmamalaki ni Kat ang pagiging online seller dahil aniya sa ganoong hanapbuhay ay naabot niya ang tagumpay na hinahangad, tagumpay na posibleng hindi pa naabot ng mga taong humusga sa kanya.


Kaya naman buong pagmamalaki din niyang ibinahagi sa lahat ang bunga ng kanyang pagsisikap bilang online seller. Ito ay ang kanyang ipinapagawang bahay na malapit na diumanong matapos.

Sa laki at ganda ng bahay ay siguradong mamamangha ang mapanghusgang komunidad.

Basahin sa ibaba ang nakakainspire niyang post:

“Sayang si kat no, naging online seller lang

Yan ang mga salitang parati kong nariring sa mga kaibigan at relatives ko noon

Naranasan ko na rin na pinag uunfriend ako ng mga taong akala ko friends ko kasi daw puro paninda post ko. Relate din hu kayo ba?

Well anyway, One proud online seller here

Almost 2 years of planning malapit ka na rin matapos

A 638sqm lot area and 721sqm total flr area situated in a private and guarded subd in the heart of bacolod city. 7 bedrooms and a family theatre, 7 meters wide swimming pool with jacuzzi. 5 spacious car garage and wide garden patio. Anyway, 60% completion pa lang to, wala pang interiors and pati exterior di pa yan tapos

Who would have thought an online seller can do that?

Eto po yung ONLINE SELLER LANG kung tawagin ng mga mapang husgang komunidad.

Kaya sa mga gaya kong online seller jan, taas noo at wag mahiyang sabihin OPO ONLINE SELLER AKO AT PROUD AKO SA TRABAHO KO”

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Loading...