Matapat na Ama,Hindi Nasilaw sa Pera, Ibinalik Sa May-Ari ang Pitakang Napulot Kahit Ang Asawa Ay Nasa Hospital

Sa mahirap nating kalagayan ngayon, diyan mo makikita ang tunay na saloobin ng isang tao. May mga gumagawa ng masama at kumakapit sa patalim upang mapunan ang pangangailangan ng pamilya.

Subalit mayroon namang tumatayo sa kanilang prinsipyo at pilit gumagawa ng mabuti kahit pa man nasa mahirap na kalagayan na ang kanilang mahal sa buhay.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Ito ay pinatunayan ng isang netizen kung saan sa kabila ng kanyang problemang kinakaharap, hindi siya natukso na gawin ang hindi nararapat at nasilaw sa salapi.

Isa nga sa mga halimbawa ng taong nagpakita ng kanyang katapatan, ay si tatay Rome Punla, na nagawang ibalik sa may-ari ang kanyang napulot na pitaka, kahit pa nga ba kinakailangan niya ang pera dahil ang kanyang asawa ay nasa hospital.

Isang netizen na nagngangalang Clara Borene Magbanua ang nagbahagi sa kanyang Facebook, kung paano niyang nawala ang kanyang pitaka at nagawa itong ibalik sa kanya ng isang matapat na netizens.

Ayon nga sa naging pagsasalaysay ni Clara, siya at ang kanyang pamilya ay bumisita sa isang kamag-anak ng mga panahong iyon. Nang siya ay nakauwi na, ay nakatanggap siya ng isang tawag mula sa di niya kilalang number, kaya naman noong una ay hindi niya ito sinagot. Ngunit ng ito ay tumawag muli,ay sinagot na niya ito at doon nga niya napag-alaman na nahulog niya pala ang kanyang pitaka, at ang tumawag sa kanya, ay ang butihing netizens na nakapulot nito.

Ang matapat na netizens ngang ito na nakapulot at nagbalik kay Clara ng kanyang pitaka ay si tatay Rome na mula sa Purto Princesa, Palawan, kung saan sa kabila din ng kanyang matinding pangangailangan ay buong-buo niya itong binalik at walang anumang nawala sa loob ng nasabing pitaka.

Base pa nga sa ulat, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbalik ng bapulot na pitaka si tatay Rome, at ang lahat ng kanyang napulot ay ibinalik niya sa nagmamay-ari nito.

Nakamamangha nga ang pagiging matapat ni Tatay Rome, lalo na’t nagagawa niya pa rin ito, kahit pa nga ba batid niya na kinakailangan niya rin ng pera, dahil nasa hospital ang kanyang asawa at may sakit.

Samantala, sinubukan namang bigyan ni Clara ng gantimpala si tatay Rome dahil sa pagbabalik nito sa kanya ng nawala niyang pitaka, ngunit ito ay tinaggihan umano nito.

Dahil nga sa kahanga-hanga at matapat na pagbabalik ni tatay Rome ng pitakang kanyang napulot, ay maraming mga netizens ang talagang pinuri ang kanyang maganda at kabutihang ginawa, at dasal nga ng mga ito, nawa’y maging maayos na ang kalagayan ng asawa ni tatay na nasa hospital.

You May Also Read:

Customer, Nagalit ng Malamang Siya Pala ang Magbabayad sa Pera na nasa Loob ng “Money Cake”.

Loading...