Kutsilyo, Naiwan sa Baga ng Lalaki Halos Isang Taon na Ang Nakalipas Matapos ang Operasyon.

Isang balita ang ikinabahala ng mga netizens matapos na ibinahagi sa kanyang facebook account ni Luis Fuerte Jr. ang kasalukuyang status ng kaibigan nito. Napag-alaman kasi na nakabaon pa rin sa kanyang baga ang kuts1lyong ginamit ng isinagawa ang operasyon mahigit isang taon na ang nakalilipas.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Kaibigan at kapitbahay ito ni Luis na kinilala kay Kent Ryan Tomao na taga Brgy. Amazon, Kidapawan City. Umabot na ng isang taon ang kuts1lyong naiwan sa kanyang katawan at nadiskubre ang kutsilyong nakabaon sa baga ni Kent nang sumailalim ito sa X-ray noong Marso 24 bilang pagsunod sa hinihingi ng papasukan sanang mining corporation. Sa palagay nito ay hindi yata napansin ng doktor na siyang sumagawa ng noon ay operasyon kay Kent na mayroong operation equipment ang naiwan sa katawan ng binata.

Enero 4, 2020 ng  isinagawa ang  operasyon kay Kent noong nakaraang taon nang napagtripan at nasaksak habang naglalakad ito. Agad naman dinala si Kent sa isang pampublikong ospital at tinahi ang kanyang sugat na natamo ngunit hindi napansin ng doktor na mayroon itong naiwan sa loob ng katawan ng binatang biktima na nang madiskubre ay siyang ikinasablay ng pamamasukan ni Kent sa nabanggit na mining corporation.

Nang makuha ang resulta ng  nasabing X-ray ay nagdesisyon  muna ni Kent na umuwi pabalik sa Kidapawan at balikan muli ang sinasabing ospital kung saan siya dinala nang masaksak ito para ipakita ang resulta at ipatanggal ang mahigit isang taon nang dala-dala na kutsilyo sa loob ng kanyang katawan.

Naglabas ng pagkakadismaya si Kent kaya niya na i post ang kalagayan ng kaibigan nito sa kanyang facebook account. Sinabihan nito ang mga doktor na ayusin naman sana nila ang kanilang trabaho dahil higit na kawawa ang mga mahihirap na nangangarap lang rin katulad ni Kent na sana ay makapasok lang sa isang trabaho ngunit sumablay ito dahil sa kapalpakan ng doktor na unang umopera sa kanya.

Ibinahagi naman ni Luis ang mga larawan ng naging resulta sa X-ray na kitang-kita ang hugis at mukha ng kutsilyo.

Humingi naman ng tulong si Luis sa Facebook na ibahagi ang kanyang post at nang sa gayon ay malaman ng marami ang sitwasyon ni Kent at matulungan sa kung sino man ang gustong tumulong nito. Binanggit naman ni Luis sa naging hashtag nito ang programang Raffy Tulfo In Action.

You May Also Read:

Nag Viral ang Bata Mula sa Surigao Matapos Kumain ng Buhay na Coconut Worms o Batud.

Loading...