Isang Nakakamanghang Makeover at Prenup Shoot, Regalo para sa Mag-asawang Mangangalakal na Ikakasal.

Ang pakakaroon ng magandang relasyon sa pamilya ay isang kayamanang maituturing, hindi naging masaya ang isang pamilya kung ang mag-asawa ay walang pagkakaintindihan at suporta sa isa’t-isa, hindi sa lahat ng oras ay pera ang naging batayan ng msayang pamumuhay kundi ang pagiging matapat at pagtutulungan ng bawat isa.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Sino nga ba naman ang hindi nangangarap ng isang magandang kasalan? Ang kasal ay mahalaga sa bawat isa kaya minsan ginagawa nila itong memorable at masayang kaganapan sa yugto ng buhay nila.

Ganito rin ang pangarap ng mag-asawang Rosalyn Ferrer at Rommel Basco ang magkaroon ng magandang kasal kung saan patutunayan nila ang mga salitang “sa hirap at ginhawa ay magsasama’.

Subalit tila pangarap nalang daw nila ito dahil sa hirap ng kanilang buhay bilang mangangalakal, ang hindi nila alam ay may isang mabait na vlogger na gustong tumulong sa kanila upang matupad ang kanilang pangarap.

Ikinamangha ng maraming mga netizen ang mga larawan nina Rosalyn at Rommel, bilib ang mga ito sa ginawang makeover at transformation sa dalawa para sa kanilang prenup photoshoot.

Sa pamumuno ng vlogger na si Richard Strandz at Rab4Love Studios, isang bonggang transformation ang kanilang inihandog sa dalawa para sa kanilang prenup photoshoot. Ito ang kanilang munting handog kina Rosalyn at Rommel para sa Araw ng mga Puso.

Ayon kay Richard, madalas niya umano na nakikita ang dalawa sa labas ng kanyang studio. Trabaho ng mga ito ang mangolekta ng basura. Maliban dito ay nagbebenta rin umano ang mga ito ng mais. Saksi umano si Richard kung gaano nagsusumikap ang mga ito sa kanilang paghahanapbuhay.

Ayon sa kanila, 24 na taon na raw silang nagsasama ngunit hindi pa naikakasal ang mga ito. May anim silang anak, kaya naman, bilang regalo sa dalawa ay naisipan umano ni Richard na handugan ito ng magandang regalo.

Sina Rommel at Rosalyn ay bahagi ng kanilang proyektong Charity Wedding. Ito ay isang proyekto nila para sa mga kapos palad na hindi pa naikakasal. Bilang paghahanda rito, naisipan ni Richard na gawan ng prenup photoshoot ang dalawa kaya humingi ng tulong si Richard sa kanyang mga kaibigan upang maisakatuparan ito.

Kaya naman, sa tulong ng mga photographer ng Rab4Love Studios na sina Benjamin at Rachele Agoc, videographers na sina Peaboh David at Paul Cabrera, designer na si Rich Sabinian at events coordinator na si Hershey Mayrina, naisakatuparan ng mga ito ang isinulat na istorya at konsepto ni Richard para kina Rosalyn.

Sa mga larawan ng dalawa, makikita ang realidad ng kanilang pamumuhay ngunit, pinaganda ito ng kanilang tunay na pag-ibig sa isa’t -isa. Ani pa nga tungkol dito ni Richard,

“We want to showcase their real life love story. What made it picture perfect is the love that they feel for each other. Gusto lang namin magfocus sa kung sino sila as a couple at ipakita ‘yong pagmamahalan nila sa ‘hirap at ginhawa.”

Kaya naman, labis na kinamangha ng maraming mga netizen ang resulta ng prenup shoot nina Rosalyn at Rommel. Hindi makapaniwala ang mga ito sa ganda ng mga larawan at maging sa konsepto ng photoshoot.

You May Also Read:

Dating Kinukutya ay Isa ng Don ng Makatagpo ng Baul na Puno ng Kayamanan sa Construction Site, Subalit Di Niya Inaasahan ang Mapait na Kapalit.

Loading...