Isang Lola ang Tila Nagalit at Gustong Manghampas ng Tulongan ng Butihing Vlogger na Mapaayos ang Tahanan at Sa Huli, Ito ang Nangyari.

Dahil sa Social Media mas marami na ang nabibigyan ng tulong mula sa simpleng post lamang ng concerned netizen, kadalasan pa nito ay yaong mga matatanda na walang maayos na matirhan, mga batang walang magulang at mga may malubhang sakit.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Isang video na mula sa Youtube Channel ng vlogger na si Val Matubang, makikita kung paano niya tinulungan ang isang matandang babae na nung una ay binigyan niya muna ng pagkain.

Isang lola ang binigyan ng tulong at inayos ang kanyang tinitirhan ng isang  mabuting Vlogger - Pinay Ako Blog

Maliban sa pagkain, dahil halos tagpi-tagpi nalang ang bahay ni Lola, mayroon silang ibinigay na paunang materyales upang maipagawa ang bahay ng matanda na kinilala bilang si Lola Damiana. Nagpasalamat naman ang matanda nang matanggap ang pagkain. Ilang sandali pa ay ipinasok na nila sa bahay ng matanda ang mga materyales para sa pagpapagawa ng kanyang tahanan.

Isang lola ang binigyan ng tulong at inayos ang kanyang tinitirhan ng isang  mabuting Vlogger - Pinay Ako Blog

Ngunit di inaasahan ang naging reaksyon ni lola  tila nagagalit si Lola Damiana dahil kaya raw niyang magpatayo ng sariling bahay, at pagmamay-ari niya ang lupang kinatatayuan nito. Sinasabi niya na ipapagawa lamang ang kanyang bahay upang maibenta ito sa ibang tao.

Isang lola ang binigyan ng tulong at inayos ang kanyang tinitirhan ng isang  mabuting Vlogger

May hawak ngang kahoy si Lola Damiana na tila handa na niyang ihampas sa mga taong naroon. Pinapalayas din niya ang vlogger, at sinabi pa ng matanda na kaya niyang magpagawa ng bahay; magkakademandahan daw sila hanggang kamatayan.

Isang lola ang binigyan ng tulong at inayos ang kanyang tinitirhan ng isang  mabuting Vlogger

Kaya naman, inilabas muna nila ang mga materyales na ipinasok nila sa bahay ng matanda. Ayon kay Lola Damiana, dalhin na lamang daw ang mga ito sa dagat.

Ayon sa vlogger, iba ang pag-iisip ng matanda; patuloy naman siyang pinapaalis ng lola. Napagdesisyunan nilang umalis muna at hindi muna maipapagawa ang bahay ni Lola Damiana.

Bumalik ang grupo nila Val at nakumbinsi si lola na maipa-ayos ang kanyang tinitirhan. Malaking tulong ito kay lola na mag-isang namumuhay at upang hindi siya mabasa sa ulan o malakas na hangin. Sa wakas ay naipasaayos din ang bahay ni lola at hindi na ito tumutol pa.

You May Also Read:

Sa Gitna ng Kasalan ay Nakumpirma ng Ina ng Groom na Kanyang Anak din Pala ang Bride, Na Nagpaantala sa Seremonya.

Loading...