Isang Flight Attendant Hinangaan,Proud na Rumaraket sa Pagtitinda ng Fishball Habang Tigil Operasyon ang Paliparan.

Dahil sa pandemya ay maraming kababayan nating apektado ang kanilang trabaho, marami ang nagtigil operasyon na mga kompanya kabilang na ang mga hotel, restaurants at ang mga transportasyon tulad ng paliparan.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Naging problema sa ngayon ng mga nawalan ng trabaho kung paano na punan ang pangangailangan ng kanilang pamilya dahil sa hindi inaasahang pagtigil ng kanilang mga tinatrabahuan.

Isa na rito ang empleyado ng isang paliparan, subalit imbes na isipin ang problema mas inisip niya kung paano magkaroon ng income habang naka tigil muna sa kanilang tahanan.

Isa na nga sa mga ito ay si Lorrie May Parungao, isang flight attendant, at isa nga sa mga talagang naapektuhan dahil sa pansamantala siyang nawalan ng trabaho dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.

At dahil breadwinner ng kanyang pamilya si Lorrie, ay kinakailangan talagang mayroon siyang mapagkakakitaan. Kaya naman habang naghihintay na makabalik sa pagiging isang flight attendant, ay naisipan niyang rumaket muna.

Naisipan nga ni Lorrie na rumaket sa pagtitinda ng fishball at ilan pang mga pang meryenda sa kanilang lugar, upang kahit hindi pa nakakanalik sa dating trabaho, ay hindi nawawala ang pagkakaroon niya ng kita na pangtulong niya sa kanyang pamilya.

Ayon nga kay Lorrie, hindi niya ikinahihiya ang maging isang tinder ng mga fishball at kung ano-anong pang meryenda, dahil sa ito’y isang trabahong marangal at nakakatulong rin kahit papaano sa gastusin nila ng kanyang pamilya.

Hindi man nga kasing laki ng sahod niya bilang isang flight attendant ang kinita ni Lorrie sa pagtitinda ng fishball, ay malaking tulong pa rin umano ang kanyang kinikita rito.

“Fishball business muna, habang lockdown. Ito ang bagay na buhay sa aking paglalakbay patungo sa pagiging F.A.Maraming salamat sa aking mga magulang na ako’y inyong minulat ng maraming kasanayan sa buhay na aking madadala saan man at kailan man.

Kalakip nga ng caption na ito ni Lorrie, ay ang kanyang larawan habang siya’y isang flight attendant, at larawan rin niya habang siya ay pansamantalang nagtitinda ng fish balls.

You May Also Read:

Customer, Nagalit ng Malamang Siya Pala ang Magbabayad sa Pera na nasa Loob ng “Money Cake”.

Loading...