Dalagang Nag Top 2 Noon Sa Board Exam, Nakapagawa na ng Kongkretonng Bahay na Noon ay Barong-barong Lamang.

Naging laman ng social media noon ang isang nakaka-inspire na buhay ng dalagang ito kung saan ay makikitang nakatira lamang sa barong-barong na bahay, sa labas ay nakasabit ang kanyang tarpaulin na nakasuot ng toga at may nakalagay na “Top 2”.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Ito ang kanilang naging tahanan habang siya ay nag-aaral pa sa kolehiyo, isang mangingisda ang kanyang mga magulang kung kaya’t nagpursige ito na makatapos sa pag-aaral at talaga ngang kanyang nakamit ito, at ang tunay pang nakamamangha, ay nagawa niyang maging “Top 2” sa Licensure Exam for Teacher (LET) noong mag-board exam siya taong 2015.

Ilang taon na rin ang nakalipas at marahil mayroon ng pagbabago sa buhay ng dalaga matapos siyang makapasa sa board exam.

At sa ika-25 taong kaarawan nga ng naturang dalagana si Iah Seraspi, ay bukas niyang ibinahagi sa kanyang Facebook account, kung ano na ang mga pagbabago sa kanyang buhay at pamilya, mula ng siya’y makapagtapos at maging top 2 sa board.

Sa naging pagbabahagi ni Iah sa kanyang Facebook account, ay ikinuwento niya na matapos niyang maka-graduate at maging top-2 sa LET board exam ay agad siyang nakatanggap ng “job offer”. Ang trabaho ngang ito ay inalok sa kanya, ng review center na kung saan nga siya nag-review noong panahon na kukuha pa lamang siya ng LET na malaki nga ang naging tulong sa kanya.

Kwento pa ni Iah , matapos niyang maging isang ganap na propesyonal na guro, ay marami na sa kanyang mga pangarap sa kanyang buhay ang  natupad. Isa na nga umano sa mga ito, ay ang pangarap niyang maipaayos ang kanilang bahay, upang maging kumportable siya at ang kanyang pamilya.

Makikita nga sa ibinahaging larawan ni Iah, na mula sa isang barong-barong noon na kanilang tinitirhan, ngayon nga ay isa na itong kongkretong bahay na may dalawang palapag. Mas malawak at maaliwalas na rin tong tingnan, kumpara sa barong barong na kanyang kinalakihan.

Ayon pa sa naturang dalaga, kung saan nakatayo noon ang kanilang barong-barong, ay doon rin mismo itinayo ang kanilang mas komportable ng tahanan.

Dagdag pa ni Iah, talagang malaki ang nabago sa estado ng kanilang buhay mula ng siya’y makapasa sa board exam at maging top 2, dahil maliban sa naipaayos niya ang kanilang tahanan, ay nagkaroon rin siya agad ng trabaho na siya niyang magiging paraan upang ngayon ay siya naman ang makatulong sa kanyang mga magulang.

Sa ngayon nga ay nagtatrabaho si Iah Seraspi sa review center na siya ring pinag-reviewhan niya noon. Ito nga ay ang “Carl Balita Review Center” o CBRC.

Inspirasyon nga naman para sa lahat ng estudyante si Iah, dahil sa kanyang ipinamalas na kasipagan at tiyaga, na sa kabila ng kahirapan ay nagawa niyang tuparin ang pangarap niya na matapos ang kanyang pag-aaral, maging ganap na propesyonal na guro, at bigyan ng kumportableng buhay ang kanyang mga magulang.

You May Also Read:

Groom, Tinawag na Walang Modo ang Singer Nang Tanggihan Ang Request Na Libreng 20 Kanta Sa Kanyang Kasal Kapalit ang Pagkain sa Reception.

Loading...