Dahil sa Malunggay, Umunlad at Guminhawa ang Buhay ng Mag-asawang ito Kasama na ang Buong Pamilya.

Kung determinado sa buhay tiyak ay may mararating sa buhay, ang bawat failure ay isang malaking aral para umunlad pa lalo ang buhay ng isang tao.

Isang malaking halimbawa ang buhay na tinahak ng mag-asawang Merlita at Juan Salcedo. Ang mag-asawang ito ay may ari ng super moringa, isang kilalang malunggay herbal product brand sa bansa.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Subalit, bago nila narating ang kasalukuyang tagumpay ay marami din silang pinagdaanan na hirap sa buhay. Ayon sa asawang si Merlita, mayroon silang limang anak at marami na silang naumpisahang iba’t ibang produkto at sinubukan kung maging matagumpay din ba sila dito.

“Nagstart kami na mag-isip ng hanapbuhay doon sa mga panahon na halos wala na talaga kaming mapagpiliang pagkikitaan.

“Marami kaming sinubukang mga negosyo. Ang aming pagsisimula noon, hindi ganoon kadali. Napakahirap talaga,” kwento pa nga ni Merlita.

Naranasan daw ng mga ito na maglako ng ice candy o ice buko para lamang maitawid ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Dahil naman sa hilig ni Merlita sa mga herbal products ay nadiskubre nito ang malunggay at ang mga herbal products na pwedeng gawin mula rito. Ngunit, ang kanilang pagsisimula ay napakahirap din umano.

Sa katunayan, halos mapaiyak pa ito nang maibahagi ang tungkol sa hirap ng kanilang pagsisimula sa negosyo. Ngunit, dahil determinado ang mga ito na umahon sa hirap ay kinaya nila ang naturang hirap at mga pagsubok. Pagbabahagi pa nito,

“Sa totoo lang, ‘yung magpakilala ka ng produkto na hindi mo alam kung paniniwalaan ba ng tao ‘yung dala-dala mo, ito’y nasa maliit na botelya lamang…

“Pero ‘yung eagerness ko na makaahon sa paghihirap… naku napapaluha talaga ako. Kapag bumabalik kasi ‘yung ala-ala ng hirap ng buhay, humihina talaga ‘yung damdamin ko. Kasi, napakahirap maging mahirap… ‘yun ang totoo.

“So ‘yun ‘yug nagtulak sa akin para pagsikapan naming mag-asawa na makaahon.”

Upang makapagsimula, humiram pa raw ng halagang Php14,000 ang mag-asawa bilang puhunan. Sinimulan umano ng mga ito ang kanilang negosyo sa mga produktong aromatherapy oils at mga haplas. Dahil sa kanilang pagsisikap, lumago naman ito at maayos na itinataguyod ngayon nilang mag-asawa katuwang ang kanilang mga anak.

Maliban sa pag-unlad ng kanilng negosyo, nakatanggap na rin ng maraming pagkilala ang kanilang negosyo tulad na lamang ng pagkilala sa Super Moringa bilang Gawad Maunlad National Grand Winner, World Class Philippine Brand at Most Outstanding and Trusted Herbal Product Brand.

Ngunit, ayon kina Merlita at Juan, ang pagiging buo nilang pamilya sa pamamahala sa Super Moringa ang pinakamagandang naging dulot ng naturang negosyo sa kanila.

You May Also Read:

Larawan ng Sanggol na Taga Leyte Ibinahagi ng Netizen,Nakakaawa ang Kalagayan at Nangangailangan ng Tulong!

Loading...