Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Maraming reaslisasyon din ang ating nakuha dahil sa pandemyang naganap sa ating mundo. May mga natutunan tayo kung ano ang dapat pahalagahan sa buhay, may mga nakilala din tayong tao na naging totoo sa atin. Hindi lang din mayayaman at gobyerno ang nagbibigay ng tulong, bagkus kapwa rin nating mahirap ang handang magbigay ng tulong.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Naging madiskarte rin tayo kung paano kumita ng salapi mula sa malinis na pamamaraan upang matustusan ang bawat pangangailangan.

Katulad na lamang ng nasaksihan ng netizeng si Ruel Quinones, pahayag niya na pagkakababa niya daw sa sinasakyang taxi ay dumeretso siya sa Mercury Drug ng Divisoria.

Alam niya na palaging may kumakanta roon na matandang lalaking may kapansanan sa kaniyang mata at  kumakanta ng mga Tagalog Songs para sa mga dumadaan.

Ngunit sa gabing iyon, ibang tinig ang narinig ni Ruel. Hindi ito ang karaniwang boses ng matanda ngunit isang napakagandang boses ng babae.

Napahinto si Ruel at nagdesisyong kuhanan ng video ang kanyang nasaksihan.

Nang matapos ang pagkanta ng babae ay tinanong niya ito kung kaano- ano niya ang matandang lalaki. Ayon sa babae, hindi niya kilala ang matanda ngunit kumanta ito para sa kaniya.

“Wala ra sir. Gusto lang nako siya tabangan…”

Sa labis na pagkahanga ay dumukot ng 100 pesos si Ruel at inilagay sa kahon. Sa ganda ng boses ng babae, hiniritan pa ng mga manunuod ng isa pang awit ngunit hindi ganoon kasanay tumugtog ang matanda.

Gayun pa man, ipinagpatuloy pa din ng babae ang kaniyang pag- awit. Hindi napigilan ni Ruel na maghulog muli ng pera sa kahon.

Sa pangalawang pagkakataon ng pagtatanong ni Ruel ay napag- alaman niya na ang pangalan ng babae ay Regine.

“La lang, I just feel like it’s worth sharing,” saad ni Ruel.

Ayon naman sa netizen na nagngangalang Adlin Remirez, si Regine Carpio daw ay aktibong miyembro sa music ministry ng Acdo Oasis of Love Community at isa ring pinagkakatiwalaang miyembro ng Alto’s in Singers for Christ Choir sa Metropolitan Cathedral.

Isa nga itong patunay na may taong napakabusilak ng puso, isa siyang anghel na naging instrumento ng Panginoon para makatulong sa kanyang kapwa. Saludo po kami sa inyo!

You May Also Read:

Faith in Humanity Restored: Mamangha Sa Ginawa Ng Isang Babae Sa Matandang Pulubi Na Nanlilimos at Sumusunod sa Kanya.

Loading...