75-Anyos na Lola, Pamumulot ng Tira-tirang Palay ang Tanging Diskarte para umano may Makain.

Talagang masakit sa kalooban kapag nakakita tayo ng ganitong mga sitwasyon kung saan ay nagsusumikap pa sa kabila ng kanilang katandaan. Wala naman daw silang pagpipilian dahil kinailangan nilang kumayod upang mabuhay sa araw-araw. Isang halimbawa po nito ay si Lola Rosita.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Ayon kay lola Rosita, namumuhay siyang mag-isa, obligadong maghanap ng makakain para mabuhay, ang inaasahang SAP 2 ay pambili sana ng bigas at maintenance na gamot pero wala pa siyang natatanggap.

Si lola Rosita Corpuz 75, residente ng barangay Sinulatan, Guimba, Nueva Ecija matapos mamulot ng tira-tirang palay na naiwan ng makinang combine reaper-harvester.

Isa si Lola Rosita sa mahigit 100 beneficiaries ng SAP o Social Amelioration Program sa barangay Sinulatan na hindi nakakuha ng ayudang P6,500 sa second tranche hanggang sa kasalukuyan.

Alas 7:00 ng umaga, lumulusong na sa bukid si Lola Rosita, bitbit ang lingkaw, nakatali naman sa bewang ang sakong lalagyan ng mapupulot na palay at dala-dala na rin ang baong pagkain sa pananghalian.

Pagsapit ng 5:00 ng hapon, palubog ang sikat ng araw, pauwi na si Lola Rosita, sunung-sunong nito ang mahigit 5 kilong palay na naipon sa pamumulot at pagdating sa bahay, kahit na pagod, matiyagang ginigiik sa paa.

Nakaipon na ng 2 kabang palay ang matandana ipapakikikis para maging bigas.

Sa katulad ni Lola Rosita na isang mahirap o indigent, priority sana ito sa social pension ng mga senior citizen.

Sana naman ay matawag ang pansin ng kanilang pamunuan sa Brgy. at mabigyan ng tamang tulong ang mga katulad ni Lola Rosita.

You May Also Read:

Dating Kinukutya ay Isa ng Don ng Makatagpo ng Baul na Puno ng Kayamanan sa Construction Site, Subalit Di Niya Inaasahan ang Mapait na Kapalit.

 

Loading...