Titser, Naantig sa Estudyanteng Wala ng Pambili ng Tsinelas, Nakuha pang Magbigay ng Saging.

Maraming netizens ang naantig sa ginawa ng isang batang estudyante na lalaki matapos e post ito ng kanyang guro sa social media.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Isang eksena na nakakaiyak at di mo iisiping magagawa pa ito ng bata, ayon sa kanyang guro, late na ng pumasok ang bata na kinilala kay Manuel at wala pa itong tsinelas.

Nagulat di umano ang guro ng may inilabas ito sa kanyang mga dala, ito pala ay kanyang pasalubong kay titser. Labis naman ang galak na naramdaman ng guro sa ginawa niyang ito na kahit pa man salat sa buhay ay nakuha pa rin niyang magbigay sa iba.

Kaya ang eksenang ito ay biglang nagtrending rin sa social media ng ibinahagi ni Titser Ryan James Duenas patungkol kay Manuel.

Pumasok daw noon ang naturang estudyante na huli sa mga kaklase. Napansin niyang wala talaga itong isinusuot na sapin sa paa.

Di na ito sinita ni Teacher Ryan at nagpatuloy na lamang sa kanyang pagtuturo. Napansin naman niyang tila di makali si Manuel at may kinukuha sa kanyang bag. Nagulat ang guro nang makitang may pasalubong pala sa kanya ang estudyante na ilang pirasong saging.

Labis na natuwa ang guro sa kabutihang loob ng bata at ng pamilya nito na nakuha pang magpadala ng pasalubong para sa kanya. Minsan daw kasi, kung sino pa yung walang-wala sa buhay, iyon pa ang marunong magmalasakit na magbahagi. Marahil dahil alam nila ang pakiramdam ng wala kaya nang sila naman ang nagkaron ng biyaya, binabahagi nila ito. Marami ang natuwa sa ginawa na ito ng bata at ang ilan pa ay nais magpaabot ng tulong. Magsilbing halimbawa sana ang batang ito na handang tumulong at magbigay ng kung ano mang meron sila para mapasaya ang kapwa.

Loading...