Tignan: Simpleng Larawan ng Babae na may Kandong na Baby, Naging Nakakakilabot.

Sa panahon ngayon, mahilig ang karamihan sa atin ang kumuha ng litrato lalo na kasama ang mga baby dahil isa itong ala-ala nila sa kanilang paglaki.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Subalit, ang isang larawan ng netizen ay nagdala ng kilabot sa mga manunuod habang hawak hawak niya ang isang sanggol. Kamakailan lang ay nag viral ito at marami ang napaisip kung papaano nga ba humantong sa ganun?

Kinilalang si Arlaine Villosabri ang babaeng may kandong na sanggol na kanya palang pamangkin, ninais lamang niya ang magkaroon ng picture kasama ang bagong silang niyang pamangkin, ngunit ikinagulat niya ang naging kinalabasan ng nasabing larawan.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Arlaine ang ilang larawan na sa unang tingin ay normal naman ito at walang kakaiba.

Ngunit magugulat at tila kikilabutan ka kapag napansin mo ang anino sa likod ng babae.

Ayon kay Arlaine, unang beses pa lamang siyang nakapunta sa bahay ng kanyang kapatid na si Lean kaya naman hindi niya inaasahan ang nakakapanindig balahibong pangyayari.

Kwento niya, pagkatapos dumede ng baby ay nakiusap siya sa kanyang kapatid na kuhanan siya ng picture habang buhat buhat ang sanggol.

Siya pa raw mismo ang nag-open ng camera sa cellphone at wala rin kahit anong application o filter na ginamit.

Wala naman daw napansing kakaiba si Lean noong kinuhaan niya ng pictures ang mag-tita. Ngunit nang tignan ni Arlaine ang mga larawan ay napansin niya ang kakaibang anino sa kanyang likuran.

Imbes na magkapareho ang pose ng anino sa kanyang pose na nakabaluktot ang mga kamay dahil sa pagkakabuhat sa baby, ang anino ay tila kuba o nakayuko at nakababa ang mga kamay.

Talagang nakakakilabot dahil magkaibang magkaiba ang pose ni Arlaine sa kanyang anino.Agad na umalis at umuwi si Arlaine at pinayuhan din siya ng mga tao sa bahay na yon na huwag na munang bumalik.

Pinayuhan din siya ng mga netizens na magdasal sa Panginoon dahil marami talagang mga bagay sa mundong ito na hindi maipaliwanag.

Anila, magtiwala lamang sa Diyos at siya na ang bahala sa lahat.

Loading...