Skateboarder na May Kakaibang Hitsura, Nakahanap pa rin ng Babaeng Tatanggap at Magmahal sa kaniya ng Buo.

Bakit ganyan ang pag-ibig, kapag nagmahal ka tanggap mo lahat kahit anong meron siya, bulag siya, pipi, pilay, abnormal, mabaho, duling at kahit minsan bawal na basta mahal mo nagagawa mo pa ring mahalin. Minsan sa buhay ng pag ibig lagi tayong bulag, kahit nasasaktan tayo okey lang , nagbubulag bulagan tayo kahit alam na natin kung ano ang totoo dahil sa larangan ng pag-ibig. Sabi nga raw “oh pag ibig kapag pumasok sa puso nino man ,hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Minsan Mahirap ipaliwanag ang pag-ibig , para sa akin ang PAG IBIG AY BULAG, minsan nagmamahal tayo ng labis labis, minsan kung sino yung gusto mo yun yung ayaw sayo, minsan alam na nga nating mali , at alam na nga nating masasaktan tayo at makakasakit , sege pa rin tayo dahil minsan para sayo yun yung bagay na makakapagpasaya sayo.

Katulad na lamang po ng estorya ng pagmamahalan ng dalawang ito mula sa Cebu City, hindi gaanong maganda ang pisikal na itsura ng lalaki subalit siya ay tinaggap at minahal ng lubusan ng babae, isang patunay na may mga taong mas tumitingin sa kagandahan ng puso kaysa sa pisikal na anyo.

Isang skateboarder na kinilala kay Zingzong ang lalaki at mayroon siyang karamdaman sa kaniyang panlabas na kaanyuan subalit makikitang may taglay na kagandahan ang kanyang kasintahan.

Kakaiba kasi ang kaniyang hitsura kumpara sa ibang mga binata sa kanilang lugar. Hanggang sa ngayon ay hindi pa nabibigyang kasagutan ang kaniyang mga tanong kung bakit medyo deformed ang kaniyang mukha at tila hindi rin maayos na na-develop ang ilang bahagi ng kaniyang katawan dahil sa sakit na ito.

Nakahiligan ni Zingzong na maglaro ng skateboard at dahil dito ay talagang marami ang nakapansin sa kaniyang angking galing sa skateboarding. Maging sa social media ay nakilala na rin siya.

Marami mang mga nangungutya at humuhusga sa kaniya dahil sa kaniyang hitsura ay hindi ito naging hadlang upang makilala niya ang taong tatanggap at magmamahal sa kaniya. Nagbahagi siya ng larawan ng kaniyang nobya at ng kanilang anak sa kaniyang Instagram post, mayroon itong caption na “family picture”.

Tunay nga na kahit ano pa ang iyong pisikal na anyo, darating at darating ang panahon na mamahalin at magmamahal ka ng totoong inilaan ng tadhana para sa iyo.

Loading...