Pinatunayan niyang Walang Imposible, Kahit siya’y Bulag Nagtapos at Pinarangalan bilang Pinakaunang Suma Cum Laude.

Isa sa pinakamahirap na kapansanan ng isang tao ay ang pagkawala ng kanyang paningin, ito ang tanging nagbibigay liwanag sa atin at napakahalagang parti ng ating katawan.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Tila akala ng iilan ay wala ng kinabukasang naghihintay sa kanila dahil sa madilim na paligid lamang ang kanilang nakikita. Subalit, para sa taong positibo sa buhay walang kapansanan ang pwedeng humadlang para maabot ang minimithing pangarap.

Isang halimbawa si Minnie Aveline Juan, nakapagtapos sa kanyang pag-aaral at pinarangalan pa bilang unang Suma Cum Laude sa kanilang paaralan.

Si Minnie ay isang PWD ngunit hindi ito naging dahilan para sumuko at hindi magpatulog sa buhay bagamat siya ay nagsumikap na makapagtapos ng pag-aaral at labis siyang hinangaan sa kanyang dedikasyon sa pag-aaral. Isa sa kanyang taga-paghanga ay ang kanyang kaibigan at kaklase na si Amelia Vicente. Ayon kay Amelia ay ginawa niyang inspirasyon ang kaibigan sa pag-aaral. Hinangaan niya ang kaibigan dahil hindi ito sumuko sa pagsubok sa kanyang buhay.

Nagtapos ng pag-aaral si Minnie sa Virgen Milagrosa University Foundation sa San Carlos City. Kasama ng 400 na estudyante, nakapagtapos ng suma cum laude si Minnie. Ayon kay Minnie, gagamitin niya ang kanyang pinag-aralan upang makapag-turo sa kagaya niya na Persons With Disabity o PWD. Magtuturo siya ng Special Education kapag nakatapos na siya ng Masteral Degree.

Tunay ngang ka hanga-hanga ang pinamalas ni Minnie, isang inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na walang imposible sa buhay kapag ito ay gustong maabot.

Loading...