Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang pahayag ng babaeng ito mula sa Zamboanga del Sur matapos niyang ipahayag ang naging kakaibang pangyayari sa kanya.

Ayon sa kanya ay nabuntis diumano siya kahit pa man na hindi ito nakaranas ng pakikipagtal1k, sabi niya ay nangyari daw ito dahil sa kanyang pagpaligo sa swimming pool.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Dahil sa kanyang pahayag ay humakot ito ng reaksyon mula sa netizen, ang kanyang kaso ay kapareho sa minsan ng naipalabas sa programa ng GMA na Kapuso Mo Jessica Soho. Dahil halos di kapani-paniwala ito, marami ang naguluhan kung totoo nga ba ang pahayag ng dalaga?

Ayon sa 22 taong gulang na si Joy, minsan umano itong naligo sa isang public swimming pool bago biglaang nabuntis. Hinala ng dalaga ay dito nanggaling ang sp3rm na pumasok sa kanya kaya siya nabuntis.

Kinabahan umano ang dalaga nang hindi ito nagkaroon ng buwanang dalaw sa loob ng ilang buwan. Dahil dito kaya niya naisipan na kumonsulta sa doktor. Ngunit, sa kanyang pagkonsulta, isang nakakabiglang balita ang ipinaabot sa kanya ng doktor.

Nangdadalang tao umano ang dalaga.

Hindi naging maganda para kay Joy ang balitang ito lalo na’t hindi niya alam kung paano ito nangyari. Bagama’t mayroong boyfriend o karelasyon, idiniin umano nito na walang nangyari sa kanila para siya ay mabuntis.

Gayunpaman, kahit naguguluhan sa kanyang pagbubuntis, wala na itong nagawa kundi ipagpatuloy ang panganganak sa bata. Matapos ng siyam na buwan, isinilang ni Joy noong ika-22 ng Hunyo si baby Sittie Hannah.

Dahil sa kakaibang kaso na ito ng pagbubuntis ng dalaga, naging usap-usapan umano ito sa kanilang lugar. Ayon naman kay Joy, malaki ang paniniwala nito na ang paliligo niya sa isang public swimming pool kung saan mayroong sp3rm na pumasok sa kanya ang dahilan ng nangyari rito.

Ngunit, ayon sa paliwanag ng isang OB specialist, imposible umano ang sinasabi ni Joy na dahilan ng pagbubuntis nito. Hindi umano matagal na nabubuhay ang sp3rm ng lalaki lalong lalo na sa swimming pool dahil sa chlorine dito.

Pareho rin ang naging reaksyon ng karamihan na nakabasa sa kwentong ito ni Joy. Kahit hindi pa umano swimming pool at sa tubig lamang, hindi umano nabubuhay ang sp3rm ng lalaki at agad namamatay.

Kaya naman, ang sinasabi ng dalaga na dahilan ng kanyang pagbubuntis ay napaka-imposible umano. Siguradong hindi umano ito dahil sa isinasaad niyang dahilan.

Ilan nga sa mga nakapanood sa nasabing episode ng KMJS na may parehong pangyayari sa kwento ni Joy ay sinasabing imposible talaga ang sinasabi nito at baka raw mayroong ibang dahilan kaya hindi nito alam ang totoong nangyari.

Loading...