Nobyang Ubod ng Selosa, Pinalagyan ng Pako ang Likurang Upuan ng Motosiklo ng Nobyo, Pero Siya rin Ang Nagsakripisyo.

Sa dinamirami ng kaso ng hiwalayan sa ngayon dahil sa iisang dahilan, ang pagkakaroon ng third party o pangangabit na kadalasan ay nahuhuli sa mga kalalakihan. Ayon sa iba, dagdag pogi points daw para sa mga lalaki ang pagkakaroon ng motor.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Dahil sa motor, mukhang astig daw ang mga lalaki at mabilis makadali ng babae, inaangkas pa ng mga ito at pumupunta sa mga lugar na hindi makikita ng kanilang asawa o nobya.

Kung kaya’t ang ideyang ito ng isang nobya ay nagbigay aliw sa mga tao sa social media, sinong mag-aakala na ma-iiisip ng babae na gawin ito sa motor ng lalaki para daw walang maka angkas na sinomang babae.

Sa labis daw na duda at paghihinala sa kanyang nobyo pinalagyan niya ng pako ang likurang bahagi ng upuan nito, isa daw kasi sa nagiging dahilan ng kanilang palagiang pag-aaway ang pagpapa-angkas nito sa kanyang motorsiklo. Kinilala ang lalaki na si Khoirul Anam, at nagdesisyon na ring palagyan ito ng pako para manahimik na ang kanyang nobya.

Nagtrending naman ang post mismo ni Khoirul na taga Magelang, Indonesia. Ang kanyang nobya ay si Intan Shinta, na napaka ubod daw ng selosa.

Bilang patunay na totoong mga pako ang nasa kaniyang motor ay mayroon pa siyang kuhang larawan nito na mayroong nakatusok na malaking bunga ng bayabas. Talaga namang masayang masaya si Intan dahil sa makasisigurado na siyang wala talagang ibang maiaangkas ang kaniyang kasintahan sa motor nito.

Ngunit, ang hindi niya alam ay napakahirap pala ng magiging sitwasyon niya lalo na kung kailangan niyang sumakay sa motor ng kaniyang kasintahan. Sa halip na komportable siyang makakaupo sa harap o sa bandang likuran ng nobyo ay nagtitiis siya sa napakakitid na espasyo sa harapan ng nito habang nagmamaneho.

“That’s why if you’re a girl don’t be possessive Intan Shinta. My bike seat doesn’t modify itself if you want to go…” Pahayag ni Khoirul sa kaniyang viral na post sa social media.

Ating alalahanin na hindi ito ang batayan upang masabing loyal ang iyong kasintahan, ang taong gustong manloko, kahit anong bantay mo gagawa yan ng paraan, kaya para maging masaya ang inyong relasyon, tiwala sa isa’t-isa ang dapat maghari.

Loading...