Netizen, Dinamayan ang Matandang Napapaluha Dahil Hindi Tinagpo ng Anak sa Lugar na Pinagkasunduan.

Nakalulungkot isipin na may mga anak na nakatitiis na balewalain ang kanilang mga magulang. ‘Ika nga, bali-baligtarin man natin ang mundo ay magulang pa rin natin sila anuman ang kanilang naging pagkukulang.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Umantig sa isang netizen ang isang matandang nakasakay niya sa bus makaraang malamang bigo niyang makita ang sana’y katatagpuing anak.

Sa Facebook post ng Buhay Pinoy, ibinahagi nito ang larawan at naging karanasan ng netizen na kinilala lamang sa pangalang Yang kaugnay sa matandang nakasakay niya sa bus.

Ayon sa netizen, lumipat siya sa tabi ng matanda dahil tila ito’y naguguluhan at napag-alaman niyang kulang pala ang pamasahe nito.

Anang matanda, mag-isa lamang siyang bumiyahe upang tagpuin ang anak niya sa Tacurong ngunit bigo niya itong makita. Ilang araw na ring hinahanap ng matanda ang anak.

Upang gumaan-gaan ang pakiramdam pinakain ng netizen ang matanda. Saad ng matanda nawalan na siya ng pag-asang muling makita ang anak. Wala na rin umanong pakialam ang anak niya sa kanya.

Kahit hindi sapat ang pera ng netizen ay hindi ito nagdalawang-isip na tumulong sa matanda at inihatid pa ito sa kanilang lugar.

God bless you, Yang!

Loading...