Mister, Naisahan ni Misis sa Panunuhol sa Cellphone Techinician ng 2k pero Mas Malaki Bigay ni Misis, kaya Bistado!

Sa panahon ngayon marami talagang pamilya ang nawawasak ng dahil sa pagkakaroon ng 3rd Party, mapa babae o lalaki man ay naging sangkot dito, at isa sa mga naging paraan kung bakit nabubuo ito ay dahil na rin sa makabagong teknolohiya katulad ng cellphone at social media.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Mabilis na makahanap ng ka relasyon dahil sa abot kamay na lamang ng tao sa ngayon ang nooy malayong komunikasyon, dito namumuo ang palihim na relasyon ng dahil sa isang text o chat lamang. Subalit, sana ay magamit ito sa wastong paraan at wag gamitin sa mga kalas-waan.

Kaya tunghayan po ang isang karanasan ng mag-asawa at mag silbing aral naman sana sa lahat ng magkapareha.

Viral sa social media ang post ng isang cellphone technician. Ibinahagi niya ang sulat mula sa may-ari ng cellphone na pinapaayos sa kanya. Pinapakiusap nito na kung maari ay huwag ayusin ang telepono at sabihin sa kanyang asawa na hindi na maayos at malaki ang magagastos.

Mister, nautakan ni misis sa panunuhol sa cellphone techinician

Hindi niya na itinago sa technician na ang dahilan kung bakit ayaw niyang mabuksan ang kanyang cellphone. May pribadong video umano sila ng kanyang kalaguyo na naroroon sa cellphone. Para makumbinsing pumayag ang technician, naglagay pa ng 2,000 ang mister.

Gayunpaman, nakatanggap ng mensahe ang technician mula sa misis ng may-ari ng cellphone at tinatanong nito kung natanggal na ang password sa cellphone. Magbibigay umano ito ng 6,000 kapag naaayos niya. Agad namang tumugon ang technician na pwede nang makuha ang cellphone. Pinaalala niya rin ang tungkol sa ipinangakong 6,000. Kaagad na nag-vral ang nasabing post. Marami sa mga netizens ang napaisip kung ano na ang sunod na kaganapan at kung tuluyan nang nabuksan ni misis ang pinakatago-tagong lihim ng kanyang asawa.

Dahil sa social media, mas madaling kumalat ang mga balita maging ang mga pangyayari sa buhay ng mga simpleng tao. Marami sa mga pangangaliwa ang nabibisto dahil sa social media.

Loading...