Mga Magnanakaw, Ibinalik Ang Ninakaw Sa Food Rider Matapos Itong Humagulhol Ng Iyak at Kanila pang Niyakap.

Malaki ang naitutulong ng mga delivery riders lalo na ngayong panahon ng pandemya, sila ang naging paa ng iilan sa ating mga kababayang hindi makalabas sa kanilang tahanan.

Sa ganitong uri ng kanilang trabaho, masyadong risky dahil parami ng parami na ang binabalitang nasa-scam ng mga taong walang magawang mabuti. Oorder ng marami at wala naman palang ipambayad o ano mang uri ng kanilang trip.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Maliban sa palagi silang nasa-scam, di rin maiwasan na maging biktima sila ng karahasa n sa daan, katulad ng pagnanakaw sa kanila na walang kalaban-laban.

Ang delivery rider na inyong matutunghayan ay nakaranas ng ganitong nakawan. Ayon sa naging balita ng World of Buzz, ang dalawang magnanakaw mula sa Karachi, Pakistan ay sinubukan magnakaw sa isang food delivery rider.

Ngunit, hindi na nila naituloy ang kanilang intensyon dahil umiyak na lamang sa kanilang harapan ang rider na naging sanhi para ibalik nila ang mga gamit na dapat sana ay nanakawin mula dito.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Makikita sa isang video na inupload, ang mga magnanakaw ay nakasuot ng puting damit at sakay ng isang motorsiklo nang kanilang subukang kuhanin ang dala ng rider.

Ngunit, bago pa man sila makalayo sa lugar na pinangyarihan, ang delivery guy ay umiyak na lamang ng sobra. Kaya naman, binalik na din ng mga magnanakaw ang kaniyang mga gamit.

Mga Magnanakaw, Ibinalik Ang Ninakaw Sa Delivery Man Matapos Itong Humagulgol Ng Iyak

Maliban pa diyan, niyakap pa nila ang rider, nakipag-shake hands, at tinapik ang balikat nito upang matigil na ito sa pag-iyak.

Sa video, makikita na pinupunasan ng rider ang kaniyang mga luha habang ang mga magnanakaw naman ay ginagawa ang kanilang makakaya upang mapagaan ang loob nito.

Maaaring nakaramdam din ng awa ang mga magnanakaw dahil malaki ang magiging epekto ng masama nilang gagawin para sa rider.

Sana ay maging isang aral ito, hindi lamang para sa mga magnanakaw kung hindi pati na rin sa lahat ng tao na pinaplanong gumawa ng masamang bagay katulad nito, na hindi kailanman naging mabuti ang pagnanakaw ng mga gamit sa kahit sino.

Loading...