“Magbabayad Naman Kami Pero Ayaw Niya” Mangiyak-ngiyak na Sinabi Ni Lola Matapos Silang Pababain Ng Taxi Driver Na Tumangging Ihatid Sila Pauwi.

Isang netizen ang tumulong sa mag-ina matapos makitang naghihintay ng masasakyan pauwi sa kasagsagan ng ulan. Nagulat ito matapos niyang isakay ang mag-ina sa taxi ay bigla silang bumaba at kalaunan ay nalaman na pinababa sila ng taxi driver dahil masisira daw ang makina nito kapag dumaan sa tubig.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Kung iisipin dapat kapag ang pasahero ay matanda na hindi dapat tumatanggi ang isang taxi driver dahil sa kanilang edad at kalusugan. Pero tulad ng kwento ng isang netizen na si Mylbon Kyllie Rose Avila kahit nakasakay na ang mag-ina sa taxi ay pinababa pa rin sila dahil na rin sa hindi siya pupunta ng Palayan.

So this happened earlier around 11:55AM sa may Super Metro doon malapit sa palayan. Galing kami sa McDo, nung pagtawid namin biglang bumuhos ang ulan. Nag-antay kami ng taxi then meron kami nakasabay na mag-ina, mga may edad na, tapos yung nanay nya matanda ng babae. Naawa kami kasi umuulan tapos mabagal maglakad yung matandang babae.

Kaya pinarahan namin sila ng taxi at pinasakay. Naiinip na kami kasi ang tagal nila umalis, tapos biglang bumukas ang taxi. Pinababa yung sila. Lumapit ako sa taxi, sus kaya pala sila pinababa ng taxi driver kasi hindi daw sya pupunta ng palayan kasi masisira daw yung makina kasi malakas daw yung tubig. Sinabihan ko yung driver na

“Hindi ka na lang Sana huminto kung iyo lang palang papababain…”

Bumaba na lang tuloy yung matanda, maluha-luha na sinabi

“Magbabayad naman kami pero ayaw niya”

Haaay kuya driver, Panginoon na lang ang bahala sayo.  Mabuti na lang may dumating na bagong taxi, pinasakay ulit namin yung mga matanda pero tinanong ko muna bago ko pinasakay. Kayo na ang mang husga Grrrr!!!

Loading...