Isang Kapitbahay ang Humingi ng Tulong para sa Matandang Lalaki na Nakatira sa parang Tangkal ng Baboy.

Naging paraan na si Raffy Tulfo upang masolusyunan ang mga problema ng madalian at nagbibigay ng tulong sa mga lubusang nangangailangan. Kaya naman may isang netizen na nagmalasakit at humingi ng tulong kay Sir Raffy kaugnay sa kalun0s-lun0s na kalagayan ng isang matandang lalaki.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Masikip sa dibdib ang naging kalagayan ni lolo na animo’y nakatira sa parang kulungan ng baboy at madumi pa ito.

Nalaman na isa sa kanyang mga kapitbahay ang nagmalasakit na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan ang kaawa-awang matanda.

Raffy Tulfo, sinagip ang lolo na nakatira sa mukhang kulungan ng baboy ▷  KAMI.COM.PH

Maging si Tulfo ay nabahala nang makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng lolo. Ayon sa concerned citizen na si Jennelyn Galvez, madalas niyang madaanan ang matanda at aminado rin ito na nahihirapan na sa kanyang kalagayan. Makikita sa video na marumi ang lugar, sira na at matigas pa ang kanyang higaan kaya marahil mas pinipili pa nitong sumalampak sa lupa para makahiga ng mas maayos. Napag-alaman ni Tulfo na nakalaya lang umano ang lolo na na 16 na taong nakakulong dahil sa pagpaslang sa sarili niyang misis na nahuli nitong may kasamang iba. Nang kausapin ni Tulfo ang kaanak nito na si Marivic Ramirez, sinabi nitong bahagi pa rin ng kanilang bahay ang tinutuluyan ng matanda.Sa sobrang busy raw nila sa trabaho, hindi na nila nagagawang linisin ang lugar nito.

Sinabi rin niyang dati naman talagang nakapisan sa kanila ang lolo subalit nang magkaroon ito ng tuberculosis, napilitan silang ihiwalay na ito. Hirap din umano sila sa buhay kaya hindi na nila natutustusan ang mga gamot ng matanda. Dahil dito, agad na inaksyunan ni Tulfo ang sitwasyon at magpapadala ng tulong para sa matanda.

Nakausap na rin umano nito ang senior staff ng Brgy. 181 Caloocan na siyang mamahala sa pagdadala sa matanda sa shelter. Magbibigay din ng karagdagang tulong si Tulfo sa iba pang pangangailangan ni lolo.

 

Loading...