Isang Bagong Silang na Sanggol ang Natagpuan sa Gilid ng Kalsada sa Ilalim ng Puno, Matapos Iwan ng Magulang.

Masaya ang mag-asawa kapag nagkaroon sila ng sariling anak na siyang bubuo sa kanilang pamilya. Ngunit, aminado naman tayo na hindi lahat na mag-asawa ay binibigyan ng ganitong pagkakataon.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Subalit, kung gaano naman ka gusto ng ibang mag-asawa na bumuo ng anak, mayroon namang mga iresponsableng Ina o Ama na basta basta na lamang iwan ang kanilang sanggol sa hindi natin tiyak na dahilan.

Nakakaawa ang mga batang walang kaalam-alam sa mundo na basta na lamang iluwal at pabayaan ito, katulad na lamang sa isang balitang ito na kamakailan ay naging usapan sa social media.

Isang sanggol ang diumano natagpuan sa gilid lamang ng kalsada sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna ng madaling araw.

Ayon sa Facebook Page ng News5, isang sales agent ang nakakita sa sanggol, nakarinig diumano siya ng iyak ngunit nung una ay di niya pinansin ito dahil baka pusa lang daw o guni-guni lamang niya, subalit di tumigil daw sa pag-iyak kaya niya ito hinanap.

Nakita raw niya ang sanggol sa ilalim ng isang punong kahoy habang nakabalot sa puting tuwalya. Agad dinala ang bata sa Nagcarlan District Hospital para lapatan ng lunas.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang posibleng pagkakakilanlan ng kanyang mga magulang upang sampahan ng reklamo. Mabuti na ang kalagayan ng sanggol at pinangalanan siyang “Baby” pansamantala.

Umani naman ito ng sari-saring komento mula sa netizens.

Ani ng isa, “’Yong iba matagal na panahon nanalangin magkaroon ng baby hindi nabibigyan, kahit na kaya namang bumuhay ng anak at responsable, pero mga ganitong magulang pagkatapos magpasarap itatapon na lang ang anak… Nakakasukang ugali…”

Dagdag pa ng ilan, walang puso ang mga magulang ng sanggol dahil pinabayaan lamang nila ito. Hindi raw nila kayang panindigan ang responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Loading...