Inakala ng Marami na Balikbayan o Abugado ang Lalaking Ito, Subalit, Di nila Inaasahan ang Laman ng Kanyang Attache Case.

Isa sa magandang naidudulot ng pagkakaroon ng sarili mong negosyo o diskarti, ay malaya kang gawin ang gusto mo basta’t naaayon sa ating saligang batas. Walang required uniform at oras ng pagtatrabaho kaya hawak mo ang schedule ng negosyo at transaksyon mo.

Kinagigiliwan kasi sa ngayon ang isang lalaki kung saan ay inakala ng marami na isang mayaman at balik-bayan dahil sa paraan nitong pagporma tuwing may nilalakaran.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Isa itong patunay na hindi mo puwede ibase ang isang tao sa panlabas na kaanyuan nito at pisikal na estado. Subalit, di yan maiiwasan  sa panahon ngayon na mahusgahan ng ibang tao, atulad na lamang sa nangyari kay tatang.

Kung mananamit ka ng maayos at pormal, ang tingin agad sayo ng ibang tao ay isang propesyonal at kagalang-galang, Pero kung ang suot mo ay hindi maganda o hindi maganda tignan, diyan ka na huhusgahan at ibabase ng ibang tao.

Katulad na lang ng lalakeng ito na na nagviral sa social media.

Sa unang tingin, hindi aakalaing naglalako pala ng mani si Bernie Mirafuentes.

Tila papasok kasi sa opisina si Mirafuentes na naka-long sleeves, slacks, leather na sapatos, at may gintong kuwintas pa habang nagbebenta ng mani sa mga eskuwelahan at ilang resort sa Iligan.

Sa katunayan, may mga pagkakataong napagkakamalan noon si Mirafuentes na guro ng mga estudyanteng pinagbebentahan.

Pero maraming netizens ang nagulat ng makita nila ang laman ng attache case nito at dito nila nalaman ang totoong trabaho ni Tatang.

Ang laman ng attache case na dala nito ay puno ng mga mani na kaniya palang ibinebenta.

Ang litratong ito ng lalaking ay in-upload ng isang Facebook user na may pangalang Arjay Aurellana Alpuerto.

Umani agad ng libo-libong reaksyon at shares ang post na ito kaya mabilis itong nagviral. Marami naman ang natuwa kay tatang dahil di mo nga akalain na nagtitinda siya ng mani base sa kanyang kasuotan. 🙂

Loading...