Hindi Napigilan ng Lola na Umiyak sa Galak Matapos Mag-boluntaryo ang 45 na Katao Para Ayusin ang Kaniyang Tagpi-tagping Bahay

Kahit pa man maraming masasamang tao ngayon sa mundo, hindi pa rin nawawala ang mga taong may ginintuang puso na kusang tumutulong sa mga nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit.

Isa sa mga nababalitaan nating tinutulungan ay yaong mga batang napariwara, mga person with disability (PWD) at mga matatanda na nag-iisang namumuhay.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Malaki ang naging kontribusyon ng mga matatanda o ating mga lolo at lola sa ating bansa o sa buong mundo, kung ano man ang tinatamasa ng henerasyon sa ngayon, ito ay dahil na rin sa kanilang hirap at pagmamalasakit noon. Kaya bilang ganti sa kanila, dapat rin natin silang bigyang halaga sa kanilang pagtanda.

Katulad na lamang ng isang matandang babae na ito na nakatira sa isang bahay na anumang oras ay parang bibigay na ang natulungan ng isang grupo.

Napag-alaman nila na ang matanda ay 45 na taon na sa tinutuluyan nito at dala na rin ng mga dumaang malalakas na buhos ng ulan at hangin ay marupok na ang mismong bahay. Gustuhin man nitong lumipat o ipagawa ang nasisira nitong bahay ay hindi nito magawa dahil salat rin ito sa pera, kaya naman pinagti-tiyagaan na lamang nito kung ano ang mayroon ito sa ngayon.

Naantig ang puso ng mga nag-boluntaryo kaya naman nagdesisyon silang tulungan ang matanda sa kalunos-lunos nitong kalagayan.

Ang grupo ay kinabibilangan ng mga propesyonal at mga boluntaryo na nagtutulong-tulong sa paggawa ng mga tirahan para sa mga nangangailangan kaya naman alam na ng mga ito ang gagawin.

Hindi nila tinitipid ang mga materyales dahil nais nilang siguruhin na ang mga bahay na kanilang gagawin ay matibay at mananatiling nakatayo kahit pa ilang bagyo ang dumaan.

Ang mga bahay na ito ay kumpleto na dahil kinakabitan rin nila ito ng mga tubo para sa tubig, pati na ang para sa kuryente at iba pang mga pangangailangan sa araw-araw.

Ganito mismo ang bahay na ginawa nila para sa matanda at nang matapos nga ay labis-labis ang kagalakan at pagpapasalamat nito sa grupo. Ngayon ay hindi na nito kailangan pang mag-alala tuwing nagbabadya ang masamang panahon dahil siguradong ligtas ito sa loob ng bagong tirahan.

Loading...