Food Delivery Rider Hinanga-an, Tinawid ang Ilog Sakay ng Bangka Maihatid Lamang ang Order ng Customer.

Dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, isa sa mga naging mabuting naidulot nito lalo na ngayon sa panahon ng pandemya, mas naging madali ang pagbibili ng mga mahahalagang bagay, gamot at lalo na yung pagkain na di na kailangan pang lumabas ng bahay.

Ito ang trabahong ginagampanan ng mga delivery food rider katulad ng mga food panda, Grab food at iba pang katulad nito. Inihahatid ang mga inorder na pagkain at items sa mismong pintuan ninyo kapag kayo ay nag order online gamit ang isang application sa ngayon.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Subalit maraming netizen ang napahanga sa isang food rider na ito na tila di pangkaraniwang experienced ng katulad din niyang nagtatrabaho. Kadalasan na mga nag-oorder ay nasa mga accessible na lugar at malapit sa mga landmarks para mabilis na maihatid ang inorder.

Ang rider na ito mula sa Thailand ay umani ng papuri matapos masaksihan ang kanyang pagka determinado sa trabaho. Ilog man ay kaya niyang tawirin maihatid lang ang inorder ng kanyang customer.

Umorder umano ng pagkain sa Food Panda ang isang grupo ng mga mangingisda na nasa Bang Pakong River sa Chachoengsao, Thailand. Ang naturang order ay nakuha ng rider na si Tanyapisit Eiamkitajakarn. Ngunit napaisip ang rider ng malaman na ang kanyang mga customer ay nasa gitna ng ilog.

Subalit kahit mahirap ang sitwasyon , hindi pa rin nag dalawang isip ang rider at agad agad siyang kumuha ng isang maliit na bangka at siya mismo ang nagsagwan patungo sa destinasyon ng kanyang mga customer.

Habang papalapit ang rider sa mga mangingisda upang ihatid ang order ng mga ito ay manghang-mangha lahat ang mangingisda sa rider dahil habang nagsasagwan pa ito ay soot nito ang kanyang helmet.

Nakunan naman ang rider na nagsasagwan ng isa sa mga umorder na mangingisda na si Pradit Saengdee. Kaya naman agad agad niya itong ibinahagi sa social media.

Narito ang post ni Pradit sa social media.

“Food Panda now has marine delivery service”, to the Foodpanda of Chachoengsao. Riding a motorbike is outdated. Let’s paddle a boat. This is the new frontier for food delivery”.

Ayon naman kay Pradit na siya mismong umorder sa Food Panda. Nang siya daw ay umorder ay nasa tabi palang daw siya ng ilog ,ngunit habang kanyang hinihintay ang naturang order ay naisipan niya munang mamangka.

Ngunit ng malapit na daw ang lokasyon ng rider ay tumawag ito sa kanya at laking gulat niya na kilala siya ng rider.

Kaya naman kahit nasa gitna pa daw ng ilog si Pradit ay hindi naging problema ito sa rider at inihatid ito sa kanila gamit ang bangka.

Matagumpay naman na naihatid ng rider ang naturang order ng mga mangingisda.

Loading...