Feeling Relaxed na Akyat-Bahay Nakitulog at Nagbukas pa ng Aircon sa Ninakawang Bahay!

Di maiiwasang may mga taong gagawa ng masama lalo pa’t naging mas mahirap ang sitwasyon ng pamumuhay sa ngayon. Kasabay ng pandemya, naging talamak din ang kaso ng mga nakawan sa iba’t ibang panig ng bansa o mundo. Ito ay naging paraan nila para maka survived pero nasa maling paraan.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Subalit, kahit gaano kahirap, hindi ito patas na gawain lalo pa’t may mga kababayan tayong nagbabanat ng buto upang makakita ng pera na panustus sa kanilang pamilya. Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang ginawa ng lalaking magnanakaw na tila hindi gawain ng ibang katulad niya.

Naganap ito sa Thailand kung saan isang 22 taong gulang ang nadatnan ng may-ari ng bahay sa loob ng kwarto ng kaniyang anak. Hindi inaasahan ng may-ari ng bahay na isa rin palang pulis na mayroong magnanakaw na makikitulog sa kwarto ng kaniyang anak.

Nabahala ang ama dahil alam niyang hindi umuwi ang kaniyang anak kung kaya naman laking pagtataka niya nang makitang umaandar ang air conditioning unit sa kwarto ng kaniyang anak. Nakasara ang pintuan kung kaya naman sa bintana na lamang dumaan ang may-ari ng bahay.

Ayon sa ilang mga ulat ay bandang alas-dos ng madaling araw nang makapasok sa bahay ang magnanakaw. Mahimbing na natutulog ang mga tao sa bahay kung kaya naman walang nakaramdam o nakarinig sa pananalakay ng lalaki.

Nang magising ang lalaki ay nagsisigaw ng malakas ang may-ari ng bahay upang maalarma ang mga tao roon. Nang dumating na ang mga otoridad ay agad nilang nahuli ang lalaki na sa ngayon ay humaharap sa mga kasong “tresspassing” at “burglary”.

Maraming netizens naman ang nagbigay ng kanilang  komento at reaksyon mula sa publiko dahil sa kakaibang ginawa ng magnanakaw na ito.  May ilang mga netizens na tawang tawa dahil sa nagawa pang makitulog at magbukas ng aircon ng naturang kawatan.

 

Loading...