Buko Vendor, Ginawang Pang-Apula ng Apoy ang Tinda niyang Buko Juice,Binigyan ng Papuri.

Isang buko vendor ang kamakailan lang ay hinangaan dahil sa pagiging alerto nito ng mangyari ang isang di inaasahang sunog. Pinuri pa ang tindero dahil sa hindi pagdadalawang isip na isaboy ang sariling panindang buko juice upang maapula ang apoy sa nasusunog na tricycle.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Pagsasalaysay ni manong tindero ng buko na si Larry Lasac, tumigil umano sa tapat niya ang isang tricycle na nagliliyab ang makina at nang walang maibuhos na tubig ang driver ay ibinuhos niya ang tinda niyang buko juice upang maapula ang apoy.

Ayon pa kay Lasac ay baka sumabog ang tricycle at madami pa ang madamay kaya hindi siya nagdalawang isip na ibuhos ang tinda niyang buko juice.

“Yung tricycle po, tumigil sa tapat ko, nagliliyab ang makina, walang tubig na maibuhos ang driver, naisip ko na baka sumabog, maraming madamay kaya naibuhos ko yung tinda kong buko pata [email protected] yung apoy“- saad ni Larry Lasac.

Naapula naman agad ni Lasac ang apoy bago pa dumating ang mga bumbero at rescuers.

Dahil sa pinakitang malasakit ni Larry Lasac ay binigyan siya ng pagkilala ng LGU at binigyan din siya ng financial assistance.

Nagpapasalamat naman si Lasac sa nagpakalat ng video dahil hindi naman niya umano inaasahan na mangyayari yun.

“Nagpapasalamat po sko sa nagpakalat nung video dahil hindi ko inaasahan na mangyayari yun eh, balewala na sa akin yun.”- pahayag pa ni Larry Lasac.

 

Loading...