Binatilyo, Muntikan ng Malunod Dahil sa Prank ng Mga Barkada.

Masakit sa isang magulang na inalagaan mo ng mabuti ang yung mga anak hanggang sila ay lumaki, pero sa isang iglap lang ay muntikan ng mawala sa iyo ng dahil lamang sa mga taong tinuturing niyang kaibigan.

Heto ag naging karanasan ng binatilyo na agad namang nag viral sa social media at naging aral sa lahat.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Muntik nang nauwi sa trah3dya ang dapat sana’y kasiyahan ng mga kabataan habang nasa isang swimming pool. Makikita sa kumakalat na CCTV Footage kung paanong pinaikot ng maraming beses ang biktima bago siya tuluyang tinulak sa pool.

Ayon sa isang ulat ng 103.9 Radyo Bandera Bacolod, binalak lang i-prank ang b1ktima. Naganap ang naturang insidente sa isang swimming pool sa Davao City. Makikitang may hawak na cellphone at kumukuha pa ng video ang isang kasamahan nila habang ginagawa nila ang kanilang prank.

Batang lalaki, nahirapang lumangoy dahil sa biruan nila ng mga kaibigan

Matapos maitulak sa swimming pool, makikitang nagtangka pang lumangoy ang biktima ngunit kinalaunan ay hindi na ito nakaahon marahil dahil sa sobrang pagkahilo nito. Nang hindi na nila makita ang kaibigan ay saka lamang tumalon ang mga kasamahan ng biktima para hanapin siya. Kapansin-pansin din na walang masyadong ibang taong naroroon kaya hindi kaagad natulungang mahanap ang bata.

Gayunpaman, bigo silang mahanap ang kaibigan kaya ilang mga tao pa ang tumulong sa kanila.

Nang mahanap nila ang walang malay na kaibigan, agad itong na-CPR at narevive. Isinugod ito sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling. Abot-abot naman ang pasasalamat ng kapatid ng biktima sa mga taong tumulong upang maligtas ang kapatid. Umani ng matinding reaksiyon ang video na ito dahil sa sinapit ng batang lalaki. Sa kasalukuyan kumalat na ito sa Facebook at iba pang social media platforms.

You May Also Read:

Friendship Goals! 3 Magkakaibigan,Sabay-Sabay na Nakamit ang Pangarap na Maging Isang Doktor!

Loading...