Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Ang mundong ating ginagalawan ay pinalilibutan ng halos karagatan o anyong tubig, 3/4 ng mundo natin ay karagatan at 1/4 lamang ang mga anyong lupa. Sa lawak ng karagatan halos hindi pa nalibot ang kabuuan at kalaliman nito.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Minsan ang mga sumisisid ay may mga nakakamanghang tinatagong yaman na madidiskubre, sa lawak nito ano pa kaya ang mga taglay na kayamanang ating matatagpuan?

May mga pangyayari noon na hindi alam ng mga tao sa panahon ngayon, katulad na lamang ng mga lumubog na barko na hindi na nakita pa. At sa tagal na panahong yaon, walang nag-akala na muling lilitaw ito. Halos 80 taon ang nakalipas nang ang barkong SS Monte Carlo o tinawag na Sin Ship ay nasira ng isang napakalakas na bagyo sa New Year’s Eve noong taong 1937.

Ang anchor nito ay nawalan ng pagkakapitan kaya ang barko ay napadpad na lamang sa baybayin ng isang beach sa Coronado Shores, California.

Wala namang napabalitang naghanap sa nawalang  barko na dati ay tinawag na “pleasure place.” Kaya ito tinawag na ganito dahil dati ay naghohost doon ng mga malalaking parties at habang ito ay nasa laot doon nangyayari ang pasugalan.

Ang tinawag dati na Sin Ship ay nanatiling nasa tubig habang ang ibang parte ng wreckage ay makikita dahil sa mga strong tides. Dumating ang taon na nagkaroon ng El Niño sa mundo at ito ang naging daan kaya ang 90-metre na barko ay makikita ng naka-expose.

Makikita na ang mga lumang slot machines, furnitures, at mga bote ay lumulutang lutang na lamang paligid. Kaya naman ang mga ibang tao na nasa beach ay pinulot ang mga ito.

Samantala, nirecover na ng mga awtoridad ang mga natirang mga kagamitan sa barko. At ayon sa mga sabi-sabi na mayroon pang mga silver coins na humihigit $140,000 ang hindi pa kine-claim.

Ang shipwreck ay makikita sa baybayin tuwing low tide. Naging tourist spot na rin ito dahil ang mga bumibisita dito ay maaring maglakad sa ibabaw ng nasabing shipwreck at iexplore ang lumang barko. Ngunit binabalaan pa rin sila ng mga lifeguards ng Coronado na mag-ingat.

Loading...